Dumating (at Lumipas) na ang Tamang Panahon Nila. Yung Atin Kaya?

Dumating na (at lumipas) pala ang tamang panahon para sa kanila. Yung atin kaya?



Ilang makabuluhang buwan taon na rin pala ang lumipas sa tambalang hindi natin inakala. Ilang makabuluhang buwan taon na sinubaybayan natin ang istoryang inaasahan natin na magkakatotoo sa darating na panahon. Makabuluhan, kasi marami-rami naman talaga silang naibahaging aral at katotohanan pagdating sa pamilya, pag-ibig, at sa paghihintay ng tamang panahon.

At ngayong dumating na nga ang tamang panahon para sa kanila, masaya pa rin tayong nakasubaybay sa anumang kaganapan sa kinahumalingan nating tambalan. Ngunit ang tamang panahon kaya para sa atin, kailan kaya darating?

Kung isa ka sa mga taong matagal nang naghihintay sa iyong version ng “Tamang Panahon”, marahil nakaramdam ka na rin ng pagkainip, pagdududa at kawalan ng pag-asa kung ito’y darating pa nga ba.

Sabi ni kuya Joshua Harris, “the right love at the wrong time is a wrong thing”. Bukod sa paghihintay sa tamang panahon, may ilang mga bagay pa rin tayong kailangang hintayin at matutunan.

Tamang Emosyon

Kilig. Ito ang pakiramdam na parang lahat ng mga cells sa katawan mo ay nagpa-party kapag nakikita mo ang crush mo sa hallway ng school o sa pantry sa office. Higit pa ito sa excitement. Sa tuwing kinikilig ka, nakakalimutan mo na tao rin pala yung hinahampas mo at hindi sila manhid. Pero tinitiis nila ang mga hampas mo dahil alam din nila ang hindi maipaliwanag na pakiramdam na nararamdaman mo.

Pero hindi lang kilig ang main ingredient ng tunay na pag-ibig. Dahil ang kilig ay depende lang sa superficial, hindi continuous at hindi consistent. Kinikilig ka kasi maganda, gwapo o athletic, pero kung mukha na siyang tinapay o nag-amoy nang moth balls, ang kilig ay mapapalitan na ba ng disappointment? True love goes beyond superficial features of the opposite sex. It includes commitment to love and to hold no matter what happens, lalo na physically. Ang tamang emosyon ay hindi lang dapat kilig, though significant part din naman talaga ito. Ang tamang emosyon ay pag-ibig na kahit walang kilig, nangangakong hindi magbabago dahil ang pag-ibig ay isang commitment.

Tamang Inspirasyon

Bakit ka nga ba papasok sa isang relasyon? Para isang libangan? Dahil sa pressure ng mga kaibigan? O naiiisip mo na napag-iiwanan ka na ng lahat ng mga ka-batch mo ng highschool? Ang isang relationship na may selfish motives ay siguradong hindi magpo-prosper, dahil in the first place, ang isang relationship ay nangangailangan ng mutual dependence at vulnerability. Ibig sabihin, handa kang magbigay ng tulong at alalay sa panahong nanghihina ang isa, at handa ka ring tumanggap ng tulong kung nanghihina ka. Maraming maaaring maging dahilan sa pagpasok mo sa isang relasyon, pero wala pa ring tatalo kung ito ay tama at di nakakasira, prompted by genuine, sincere, unconditional love.

Papasok ka sa relationship hindi dahil pakiramdam mo ay gusto mong may pumuno sa pagkatao mo. You are already complete as you are. Kung sa tingin mo ay kulang ka without someone, isipin mo na lang na ang pagkakaroon ng relationship ay pagkakaroon ng partner – you help each other, you complement one another. Take away your partner, you are still the same, and your whole system still functions the same.

Tamang Preparasyon

Hindi ka papasok sa isang relasyon nang hindi ka handa, gaya ng pagsabak sa isang laban na wala kang armas. At sa pag-ibig, ang dapat na hinahanda ay ang sarili. Handa ka na bang magsakripisyo ng oras, ng resources, handa ka na ba sa mga “healthy” compromises (dahil may mga unhealthy compromises na hindi dapat ine-entertain sa relationship), at higit sa lahat sa pagiging selfless? Mahalagang maging handa sa maaaring dumating na mga pagsubok na siyang susukat sa depths at sincerity ng iyong mga pangako. Words of affection are good, however unless it is backed-up with actions that prove its sincerity, it remains empty promises.

Maging handa personally – emotionally, socially, spiritually at wag laging hindi mapakali. Entering into a relationship is the same as sharing your life to your chosen partner, so better be ready. Otherwise, chose not to enter a relationship.
Photo: https://m.inquirer.net/entertainment/290098

Maghihintay tayo ng tamang panahon, pero sa ating paghihintay, dapat ang oras ay nananatiling makabuluhan. Occupy til’ I come (Luke 19:13), ika nga sa Biblia. Pero maaari rin nating gamitin ito sa larangan ng pag-ibig: occupy ‘til I come. At sa pagdating ng tamang panahon para sa atin, hindi lang tama ang ating emosyon, tayo ay may tamang inspirasyon din at dumaan sa tamang preparasyon.

Note: This is a re-blog of a 2015 entry with the same content. 
Dumating (at Lumipas) na ang Tamang Panahon Nila. Yung Atin Kaya? Dumating (at Lumipas) na ang Tamang Panahon Nila. Yung Atin Kaya? Reviewed by Marts Valenzuela on October 25, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.