Bes,
patapos na ang taon. Kumusta naman? Marahil you’ve been through a lot this past
year. Iniwan ka ba ng love of your life? Kung hindi man ikaw, baka yung classmate
mo, or officemate or someone na related sayo. Saklap ano? Pero don’t worry, no
matter how hard reality hit us in the past, I am convinced that we are all as
tough as nails! Hindi tayo kayang patumbahin ng anumang klaseng heartbreak!
Pero
yun na nga. After the storms we’ve been through, medyo naiwan kasi tayong luhaan, sugatan, hindi mapakinabangan...
so paano ba tayo magsisimula? Siguro naman gusto mong bumangon ulit with a
clean slate. Yung parang dati, malakas ka at matatag emotionally at kaya mo
ulit bumirit sa videoke na parang walang nangyari. Segue: Learn
Important Truths abour Break-ups
Unless
kabilang ka sa mga nilalang na wala pang balak mag-move on at gusto pang
maglublob sa kanilang mga luha sa saliw ng kanilang senti-sappy Spotify
playlist, here are some of the things to consider para maka-move on ka na:
1.
Wake Up
Bumangon ka na bes! Bumangon ka na
sa katotohanan na tapos na sarado na ang chapter na yun ng buhay mo. Wag mong
hayaan na ma-stuck ka na lang sa higaan mo habang nagmumukmok at nagtatalukbong
ng unan. There is more to life than just lovelife. Moving on begins with
acceptance that what happened in the past can never be undone. Decide to have a
good day! Wake up! Masarap ang simoy hangin sa labas kaysa sa amoy ng unan mo
na binabad mo na sa mga luha mo. Ok, sige hindi sa lahat ng lugar masarap ang
simoy ng hangin.
"Today is the day the Lord hath made; let us rejoice and be glad in it." - Psalm 118:24
2. Dress
Up
Smile! Mahirap ito, sa totoo lang.
Hello, heartbroken ka, hindi yun masaya! Pero it helps, actually. It will lighten
your mood and will attract people na maganda rin ang mood. It is a public service
din to the Filipino people – spreading cheer and positive vibes. Dressing up is
not really about flaunting your branded jeans and shirt but as simple as putting
a smile on your face. A smile is an inexpensive way to improve your looks. Sa
ganda ng smile mo, sinong mag-aakala na lumuha ka ng balde-balde recently? Pero
dahil nagmo-move on ka na, expect na magiging blooming ka lalo, kaya smile!
“A cheerful look brings joy to the heart; good news makes for good health.” - Proverbs 15:30
3. Shut
Up
Ang tendency kasi sa atin ay magsabi
ng masasamang bagay against our ex or against that person who put us into
friendzone. E totoo naman kasi, malakas siyang humilik, may amoy ang kili-kili,
masyadong madaldal, etc. But one measure of a person who has moved on is when
you are able to release blessing to a person who has hurt you rather than
curses. Kapag kinamusta ka ng iba about your recent break-up, try to say nice
things and learn to listen. God gave us two ears and one mouth, so He must have
meant for us to do twice as much listening as talking. Anong papakinggan natin?
Yung mga insights ng iba. Believe me, people around us, I mean those who really
care for us, have something significant to say na kapupulutan natin ng aral. Masakit
man minsan ang maririnig natin pero at the end of the day, if we’ll just choose
to shut up, lower down our defenses and listen to others this time, we’ll be a
better person. So, shut up ka na lang [muna].
"He who guards his lips guards his soul." - Proverbs 13:3
4. Stand
Up
Stand up for what you believe in. Kung
hindi ka niya nagawang panindigan, at least ikaw panindigan mo ang pagmo-move
on mo. Don’t ever fall into the trap of pity-partying at paniniwala na ang “good
‘ol days” ay nasa piling niya, kung sino man siya. The best is yet to come,
bes! Kaya as much as you can, throw off everything that hinders sa pagmo-move
on mo. Stand up dahil kung hindi, sabi nga ni Katy Perry, you will fall for
anything. Wag susuko. Kahit paunti-unti ang usad, kahit mabagal, kahit
masakit... tuloy lang!
"Let us not be weary in doing good; for at the proper time, we will reap a harvest if we do not give up. Therefore, as we have opportunity, let us do good..." - Galatians 6:9-10
5. Look
Up
Wag mong solohin ang journey! Look
up to your friends and people na naging matagumpay sa kanilang mga laban, o
kung hindi man alam mong kasama mo sa anumang laban. Madalas sa mga pusong
sawi, sinasarili ang pighati. I-share mo sa iba. Release your emotions sa iyong
mga trusted confidants hanggang sa maging magaan na ang loob mo. Pero as you
unload your frustrations, and unsettled emotions, wag mo naman silang
kalimutang ilibre. Ano yun, ganun-ganun na lang? Pero joke lang yun, friends naman silang tunay e.
“Two are better than one, because they have a good return for their labor: If either of them falls down, one can help the other up. But pity anyone who falls and has no one to help them up." - Ecclesiastes 4:9-10
6. Reach
Up
Now that you’ve learned your lesson,
reach up for something higher. Create
or revisit your non-negotiable list. Minsan pa, itaas mong muli ang bandera
ng mga single! Not because you failed in the past, ibig sabihin ay magmamadali
kang humugot ng kapalit para makaganti. Reach up for something higher! Improve
yourself and the next time you’ll enter in a relationship, you will be better, wiser,
fiercer version of yourself. O di ba? Pero in all these, your motivations must
be aligned with the Lord. Hindi dahil gusto mo lang bumawi sa tadhana. Submit
yourself to the Lord.
"Trust in the Lord with all your heart, and lean not unto your own understanding. In all your ways, acknowledge Him, and He will direct your path." - Proverbs 3:5-6
7. Lift
Up
Totoo, mahirap mag-move on. Hindi
madali ang naunang anim na points lalo na kung sobrang attached ka sa taong
nang-iwan sayo. It’s hard to smile knowing you’re in deep pain. Mahirap mag-utter
ng blessing sa taong nang-hurt-hurt sa heart-heart mo. When you’re in emotion
pain, mahirap maging objective. That’s why we need to lift ourselves up in
prayers to God. Hindi natin ito kaya on our own. It is a daily decision, a
daily struggle until such time na gigising na lang tayo na ok na tayo. And sa gruelling
season ng pagmo-move on natin, kailangan natin ang supernatural help ng ating Greatest
Lover na never nang-iiwan sa ere. Move on na bes, and come to God and rest.
“I can do everything through Christ who strengthens me." - Philippians 4:13
Ngayon, ready ka na bang mag-move on?
Are You Ready to Move On?
Reviewed by Marts Valenzuela
on
December 07, 2016
Rating: