For shareable link, like, follow and share: http://bit.ly/2h8E0ns
Kapag may agent na nagbigay sa akin ng brochures at leaflets, kinukuha ko. Alam ko kasi ang pakiramdam ng nag-eeffort ka pero hindi naman pinapahalagahan.
Nakakahanga ang pasensya ng mga barker. Kahit ilang ulit na silang sumisigaw ng “Cubao! Cubao!”, lalapitan pa rin sila at tatanungin, “manong Cubao?” Parang ikaw, paulit-ulit ko nang sinabing mahal kita pero nagdududa ka pa.
Ang hirap sigurong maging teller sa toll gate, kasing hirap ng pagkakakulong ko sa mga expectations mo sa akin.
Para akong teacher sa pinakaayaw mong subject. Kasi kahit anong pilit kong ipaunawa ang laman ng puso ko, pilit naman itong tinatanggihan ng isip mo.
Isa akong artist na nagbibigay-kulay sa mundo mo at pilit kang pinapasaya, pero sa halip na bigyan mo ako ng halaga, ang sinasabi mo lang palagi, “friends naman tayo di ba?”
Daig ko pa ang janitor na kahit anong linis ko sa relasyon natin, paulit-ulit pa rin naman itong tinatapakan ng iba.
Mabuti pa yung saleslady, kahit maghapon nang nakatindig willing pa ring sumunod sa akin at maghintay. Ikaw di mo man lang ako mapanindigan.
Yung construction workers, kahit anong bigat ng dala, kapag napagod, titigil lang sandali at magpapahinga. Sa ating dalawa, ako na nga ang nagbubuhat, ikaw pa ang humingi ng pahinga. Wow ah!
Di ko maintindihan yung crew sa fastfood. Binigyan ko na nga ng buo, nanghingi pa ng dagdag para daw may maisukli siya. Ganun ba talaga? Di pa sapat ang buo, dapat may pasobra pa?
Yung mga nangangalakal nga, makapulot lang ng simpleng bagay masaya na. Binigay ko na sayo ang lahat-lahat, naghanap ka pa rin ng iba.
H&H Presents: Work-Related Hugot
Reviewed by Marts Valenzuela
on
December 05, 2016
Rating: