"Gustung-gusto mo na siya, pero "ghosting" gusto niya"


Naranasan mo na ba ang ma-multo? Or let me get this straight - minulto ka na ba niya? Yung ang dalas-dalas niyang magparamdam sayo, tapos ikaw naman fall na fall na and then poof! Hindi siya naging Koko Krunch pero naloko ka, with a big crunch. Bigla na lang siyang nawala na parang walang nangyari. Ang sakit ano? Ang laki na ng ininvest mong feelings, naiplano mo na ang future niyo, nagpa-practice ka nang pumirma using his surname, nakapili ka na ng pangalan para sa mga future kids niyo, tapos ganun-ganun na lang. Bigla siyang maglalaho na parang bula. Kung alam mo lang e di sana nung una, pinutok mo na lang yung pagiging bula niya. Hahaha!


Pero nandyan na yan, iniwan ka na. Tuliro ka man ngayon at madalas tulala, kailangan mo pa ring tanggapin ang katotohanan na hanggang crush level lang talaga siya. Anyway, kaya nga siya “crush” kasi parang dinudurog ang feelings mo. At gaano man yan kasakit, at least nalaman mo na hindi pala siya pang-forever. One big lesson: mas mabuti nang umiyak ka ngayon, kaysa naman umiyak ka for a much longer duration. Isipin mo na lang na blessing in disguise ang nangyari.

Balik tayo sa ghosting. Nakakatuwa na may meaning na si google sa kanya:

Ghosting is the practice of ending a personal relationship with someone by suddenly and without explanation withdrawing from all communication.

Sa dami ng mga relasyong nauwi sa ghosting, tumataas na rin ang demand para sa mga piloto – para sunduin ang mga taong bigla na lang naiwan sa ere. Pero hindi ko talaga ma-gets bakit may mga taong bigla na lang nang-iiwan pagkatapos magpa-fall. Anong benefits ang nakukuha nila? Nakakataas ba yun ng personal value? Siguro kinulang sila sa aruga ng nanay nila nung bata sila kaya sila nananakit ng damdamin ng iba. Haha! Di ba nga, hurt people hurt people. Baka naman may something sa kanila… pero kahit na, di pa rin yun tama.

Ang dami ko nang sinabi, kaya pag-usapan naman natin kung ano ang ‘tama’. Ano ba ang dapat gawin ng isang taong nabiktima ng ‘multo’. AWOO!

Ask for explanation, then for closure. Marahil nagawa mo nang magsend ng maraming messages para tanungin kung anong nangyari at kung bakit di na siya bigla nagparamdam. Pero this time, decide na last mo na yan at kapag hindi pa rin nagparamdam within a considerable period, wala na, finish na. Make sure na ang message mo ay firm, at panindigan mo rin. Hindi ka dapat aasa forever kaya magdesisyon ka na agad.

Wag mo nang buhayin ang patay. In other words, no more stalking, no more going to places na posible mo siyang makasalubong lalo pa kung ang suspetsa mo ay bago na siya. Don’t entertain ‘what ifs’. Mauubos lang ang oras mo, masasaktan ka lang, and chances are, mapupuyat ka lagi at bibigat ang eyebags mo. If the person ghosted you, hayaan mo na siyang totally maglaho, at paunti-unti, isama na rin niya ang feelings mo. 

Overcome the desire na gumanti. Yes, kahit gaano kasakit, wag kang gaganti. Either through social media rants, spreading chismis or pagawan siya ng tarpaulin na ‘WANTED’. Love is not a game of ‘tag’ na kapag nasaktan ka, igaganti mo sa iba. Hindi kailangang bumawi. Ang dapat mong gawin, fix yourself and your composure. Be the better person by refusing to victimize others kahit pa naging victim ka rin. End this vicious cycle on your part. Yes, you may cry but don’t let hatred multiply.

Overwhelm yourself with the truth. The most important step to emotional healing personal recognition that you need healing. There’s no point in denying na talaga namang nadala ka sa matatamis niyang mga salita. Nasaktan ka, and acknowledge that. Aminin mo rin na seenzoned ka sa messenger, unreplied ang mga texts mo at hindi pinapansin ang mga tawag mo. Accept that, no matter how it hurts. Then move on. The truth hurts, but it will set you free.

Mahaba-habang laban pa bago natin tuluyang mapuksa ang mga epidemya ng ghosting at pagpapaasa. Pero at least alam natin na hindi nagtatapos sa pang-iiwan niya sa ere ang buhay natin. We can move on with the hope that there is someone God has prepared for us along the way. Di lang natin alam, baka isa pala siyang piloto.



"Gustung-gusto mo na siya, pero "ghosting" gusto niya" "Gustung-gusto mo na siya, pero "ghosting" gusto niya" Reviewed by Marts Valenzuela on August 02, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.