Grabe yung presyo ng mga gulay. Sobrang mahal. Kaya siguro kahit bet mo pa mag-pinakbet, magdadalawang-isip ka muna. Hindi rin ako makapaniwala na umabot ng 1K ang isang kilong sili. Eh pinipitas lang yun sa likod bahay namin dati. Pero following the pattern of thought ng mga nababasa ko sa mga comment sections ng Facebook, “wala namang nag-iimbak ng kilo-kilong sili sa bahay, so wag OA mag-react”. Uhmm, ok. Ewan ko sa inyo! Hahaha!
Wait lang, baka makalimutan ko na relationship blog nga pala ito.
Lalo sa panahon ngayon na sobrang hirap ng buhay. A man can’t just squeeze himself into a situation kung saan puro sarap lang ang habol niya tapos iiwan niya ang iba na naghihirap. As cliché as it sounds, pero this remains true: ang pagpasok sa relasyon ay hindi parang kaning isusubo... lalo pa ngayon na mahal ang bigas.
So kailan ang tamang panahon to enter into a relationship?
1. When your hands are ready to “work”
When you enter a relationship, there are lot of work to do, at kailangan handa ka. You have to work out your character, kasi kahit gaano pa kayo magkakilala ng liligawan mo, magkaiba kayo ng environment paglaki. Iba ang values system na kinalakihan niyong dalawa, magkaiba ang pagpapalaki ng mga magulang ninyo, at magkaiba ang ugali ninyong dalawa. Maraming rough edges na dapat kinisin when you enter a relationship, and working this out requires work. Handa ka ba?
Isama pa natin ang issue ng responsibility pagdating sa pagiging provider. Kagaya ng sinabi ni Pareng Mike Tan, kung umaasa ka pa sa magulang mo para may pang-date ka, medyo di ka pa ready. Wag mo nang bawasan ang budget ng nanay mo para mailabas mo ang crush mo. Priorities, bro. Mas mataas ang pogi points ng lalaking responsible kaysa lalaking puro lang pa-swabe.
2. When your head is equipped with “knowledge”.
Bakit ka nga ba papasok sa relationship? Para kewl tignan sa tropa? Para may kasama? Para masaya? Hindi naman karera ang pagpasok sa relationship, hindi competition, kaya hindi ka dapat mapressure sa mga kaibigan mo. May girlfriend ka nga, pero wala kang long-term plans for her, para ka lang nagsayang ng oras, effort at resources.When a person builds a house, hindi pwede na basta magtayo lang ng istruktura. Dapat may plano muna. Dapat handa ka rin. Ganun din sa relationship. Pero don’t get me wrong. While it is true that one cannot be fully prepared when entering a relationship, pero can we at least minimize our mistakes by exerting effort to be better?
Learn from couples na nilo-look up mo. May mga relationship tips sila for sure. Listen to teachings on how to handle money wisely, how to develop your character, etc. Read books on relationships and apply what you have learned. By doing these things, mas magiging confident ka for sure. Hindi yung basta decide ka lang ng decide tapos palpak pala. Nadadala ng init ng katawan kaya ayun, nagkakabuntisan ng maaga. Wala kasing naging basehan kung ano ang tama at maganda for a relationship. So fill your head with “credible knowledge” na magiging foundation mo for your relationship decision in the future.
3. When your heart is committed “for better and for worse”
Of course, I am implying a lifetime, leading-to-marriage relationship. Hindi fling, hindi pampalipas-oras lang. Kaya when I say “to enter in a relationship”, I say it with the premise that it should lead to marriage. Dapat advanced ka mag-isip.It takes full embrace of conviction. Bago ka mag-desire na yakapin ang babaeng pinapangarap mo, yakapin mo muna ang convictions mo. Handa ka na bang tumayo sa sarili mong mga paa at panindigan ang magiging pangako mo sa kanya?
I love wedding vows. Dito nilalahad ng ikinakasal ang mga pangako nila sa isa’t isa. Kaya naman ang encouragement ko sa mga future man of the house: compose your wedding vow ngayon. Wag mo na munang isipin kung kanino mo yun bibigkasin. Habang naghihintay ka pa ng tamang tao at tamang panahon, why not fall in love first with the idea na maging committed ka muna sa pag-iimprove ng sarili mo?
Tell this to yourself: “I will be a better husband and father someday”. Repeat until true. At kapag nasa takdang panahon ka na, repeat until proven.
Napansin mo ba na overlapping ang lahat ng ideas? Kasi being ready will always go back to you. Your HANDS (the efforts you can do), HEAD (the readiness and the value-adding contribution you can give), and HEART (the commitment you have to stand on). Hindi ito nakabase sa circumstances, sa laman ng bank account mo, sa mga “signs”, laman ng horoscope, at sa mga kantyaw ng mga kaibigan mo. Masasabi mong handa ka na, kapag confidently kaya mo nang sagutin ang tanong na “handa na ba talaga ako?” Hindi ibang tao ang sasagot para sayo.
So what kung nagmamahalan na sila? Kung di ka pa ready, wag na muna.
Nagmamahalan na ang mga bilihin. Tayo kailan?
Reviewed by Marts Valenzuela
on
September 08, 2018
Rating:
No comments:
Post a Comment