Or pwede ring, “OK lang ba talaga na umiyak ako?”
Naalala ko nung elementary pa lang ako, dahil hindi talaga ako pinalaki ng mga magulang ko na nakikipag-away, talagang mabait akong estudyante. When I say mabait, ibig sabihin sobrang tahimik at palagi lang nasa upuan. Kung may nakakausap man, yung mga nakakatabi ko lang at ang teacher ko kapag kinakausap ako. Tipikal na introvert at loner. Mahiyain.
Naalala ko nung elementary pa lang ako, dahil hindi talaga ako pinalaki ng mga magulang ko na nakikipag-away, talagang mabait akong estudyante. When I say mabait, ibig sabihin sobrang tahimik at palagi lang nasa upuan. Kung may nakakausap man, yung mga nakakatabi ko lang at ang teacher ko kapag kinakausap ako. Tipikal na introvert at loner. Mahiyain.
Pero one time, may nang-away sa amin ng kaibigan ko. Binubully kaming dalawa. Nang hindi ko na-contain ang inis, nasuntok ko yung bully! Pero para hindi ako magantihan agad, inunahan ko agad ng iyak, para makaagaw ng atensyon ng mga matatanda sa paligid at matapos agad ang commotion. Wise move, sa isip-isip ko.
Pero siguro ilan sa pinakamatinding pag-iyak na naranasan ko ay ng mga panahong na-heartbroken ako. Mahirap kaya yun! Kahit pilit mong i-dismiss sa isip mo ang mga sitwasyon na masasakit at mala-telenovela mong what if’s, hindi mo pa rin mapipigilan na mabigatan emotionally. At ang tanging response ng damdamin mong mabigat ay ang lumuha. There’s a reason why God has given us tear ducts and eyes, para i-release ang mga damdaming masasakit na otherwise pilit nating kinikimkim.
We grew up in a culture na ang pag-iyak daw ay para lang sa mga mahihina. May pagka-sexist and stereotype pa nga tayong mga Filipino e, lalo na kapag lalaki ang umiiyak – “bakit ka umiiyak, babae ka ba?” Wala ba talagang puwang para sa ating mga kalalakihan ang pagluha?
Pero sa totoo lang, personally ang pagtantya ko sa pagluha ng isang lalaki ay sign ng katapangan. It is a sign of courage in a sense that you do not deny what you really feel and you do not deprive yourself of the comfort tear brings. Katapangang maituturing kasi hinaharap mo ang sakit head-on, at pinapalaya mo ang pait ng damdaming ipinaranas sayo ng paligid.
May mga kalalakihan na naniniwala sa konsepto ng machismo. Hindi kayang harapin ang problema kaya dinadaan na lang sa ibang outlets kagaya ng alak, pagbibisyo, o paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sa halip na tanggapin ang sariling pagkakamali, o tanggapin ang sinapit na sitwasyon, mas pinipili na lang na kimkimin ang sakit dahil takot na masabihan na mahina, o failure. Misplaced confidence – kasi hindi lahat ng bagay ay kaya nating dalhin on our own, and with our own efforts.
It is OK to not be OK.
Liberating ang umiyak lalo na kung ito ay para sa isang bagay, o isang pangyayari, o isang tao. Nagpapakita lang ito na totoo ang naging pagpapahalaga mo dito. Hindi kasalanan ang maging malungkot lalo na for valid reasons. Iniwan ka ng taong minamahal mo? Umiyak ka lang. Bumagsak ka sa school? Umiyak ka lang. May problema kang pinagdadaanan? Umiyak ka kung hindi mo na talaga kaya. Hindi makakabawas ng pagkatao mo ang bawat luha na pumapatak sa mata mo.
Isa sa pinakaaayawan kong gawain ay ang paghihiwa ng sibuyas. Alam niyo naman yun, nakakaiyak. Pero naisip ko lang na mas mahirap pigilan ang pagluha, at lalong hindi ko matatapos ang paghihiwa kapag pilit kong pinipigilan ang sarili ko na umiyak. So, I just let tears fall – dahil alam kong pagkatapos ng lahat ng luha, may masarap na ginisa akong mahihita.
Ang mga taong nagkikimkim ng hinanakit at sama ng loob ay ang mga taong takot umamin sa sarili nila na sila ay basag at kailangan ng release. At hindi sila mabubuo kung ayaw nilang isuko ang kanilang mga damdamin. Sila ang mga taong nakakapanakit, dahil nga “hurt people, hurt people”. Unfortunately for some, kapag sobrang bigat na nang dinadala emotionally, they just decide to end everything. Sayang. If they have just allowed themselves to get rid of the weight on their chest by accepting that it’s OK to not be OK.
Alam kong marami pang pwedeng pag-usapan sa area na ito. But for now, just let me end with this verse from the Bible:
“You keep track of all my sorrows.
You have collected all my tears in your bottle.
You have recorded each one in your book.”
Psalm 56:8
“Ikaw, iiyakan ko? Bakit, sibuyas ka ba?”
Reviewed by Marts Valenzuela
on
June 10, 2018
Rating: