Isa marahil sa milestones ng kahit sinong lalaki ang mapasagot ang kanyang niliigawan. Daig mo pa ang nanalo sa lotto kapag narinig mo na yung inaasam mong sagot. Lalo na kapag sobrang tagal mong naghintay, at yung effort mo ganun-ganun na lang, siguradong mapapatalon ka sa tuwa at manlilibre ka agad ng barkada.
Pero paano naman kung hindi ang inaasahan mong sagot ang marinig mo? Paano kung hanggang friends lang daw ang kayang ibigay sayo? Anong gagawin mo? Iiyak? Mananapak? Magpapakalasing? Magpo-post sa social media na “You’ll gonna miss me when I’m gone. #NoOneCares”?
Kung updated ka sa news, may isang 17 year old na lalaki ang suspect sa mass shooting sa kanilang school sa Santa Fe High School sa Texas, USA. Sa 10 taong namatay, walo ang estudyante at dalawa ang teachers, all of which ay mga taong ayaw niya. And remarkably, isa doon ay ang babaeng nambasted sa kanya.
Imagine the magnitude of what a person can do dahil sa pag-ibig, Kaya niyang makabuo ng kanta, makalikha ng tula, makabuo ng isang obra maestra. Pero ganun din, kaya din niyang makasira – lalo na kapag fueled na ng anger at hatred.
I remember the story of Amnon in the Bible (see 2 Samuel 13:1-21), who was so obsessed with Tamar. Sa sobrang obsession niya, he raped the helpless lady. Ngunit pagkatapos ng lahat, ang sabi “he hated her more than he loved her”. It was a very sad love story. Kung love story nga bang matatawag yun.
So, in the name of brotherhood, ano nga ba ang maipapayo natin sa mga kaibigan nating magigiting na sumusuong sa masukal na “friendzone”? Paano nga ba natin tutulungan sila na sumisigaw ng “tita, yung anak niyo po, binasted ako!”?
1. A woman’s YES is an entrustment, not an entitlement.

Masarap marinig ang YES sa babaeng ating nililigawan. Pero tandaan natin, boys, that once it is given, it means we are seen as trustworthy enough in all areas of relationship, lalo na ng heart and purity niya. Ang GTYK period (getting-to-know-you, in case di mo gets) ay pag-estima ng mga babae sa ating mga lalaki kung kaya niya ba tayong pagkatiwalaan. Ang YES nila ay hindi natin karapatan. Hindi tayo entitled in the first place na sagutin ng babae dahil lang sa nanliligaw tayo.
Ang steering wheel ay nasa kanila, kung sasagutin ba tayo o hindi. It is their privilege to choose kung kanino ba nila ie-entrust ang matamis nilang OO. Hindi natin ito pwedeng ipilit, at uulitin ko, hindi tayo entitled na sagutin nila kahit na ba mukhang ka pang oppa, o may high end kang Oppo. Alangan naman na ikaw may choice kung sino gusto mong ligawan tapos sila kung sino na lang manligaw, sagot na lang agad? Tandaan, nanliligaw ka, hindi ka extortionist. Patunayan muna natin na worthy tayo of trust bago tayo sagutin. Develop your character first.
2. Your persistence doesn’t mean her acquiescence.

Lalim ng English ano? Para lang yan mag-rhyme syempre. Haha! Ibig sabihin, hindi porket nag-effort ka ay may utang na loob na sayo ang babae. Hindi ibig sabihin na ang laki na ng nagastos mo ay dapat makuha mo na ang gusto mo. Ang panliligaw ay hindi parang pagbili sa suking tindahan na hanggat may pambili ka, pwede kang pagbentahan. Ang pag-ibig ay hindi binibili! Naks.
May mga lalaking kayang manligaw ng mahabang panahon, at kayang maghintay ng mahabang panahon. Pero kahit gaano katagal pa ang ginugol mong oras, o gaano kabongga ang effort na binubuhos mo para lang mapasagot ang nililigawan mo, nasa kanya pa rin ang desisyon. Ang idiomatic expression na “If at first you don't succeed, try, try again” ay hindi applicable sa relationship at sa feelings ng tao. Kapag ayaw, ayaw. Matutong mag-move on kapag nabasted na. Hindi pwedeng ipilit kapag hindi talaga uubra.
3. Not all gestures are sweet and friendly, some are borderline confusing and creepy

Nang napanood ko yung movie ni Empoy at ni Alessandra na Kita Kita, all along I find Empoy’s gestures as sweet and romantic. Pero nang nagtanong ako sa mga friends kong babae, hindi sila masyadong natuwa sa mga damoves ni Pareng Empoy. Masyado daw creepy at taking advantage. Which leads us to the conclusion na hindi porke persistent ka ay sweet ka. Kadalasan, nakakaasar ka na. Konting-konti na nga lang, baka maipa-blotter ka na sa baranggay kakakulit mo sa kanya e.
Siguro sa mga movies, yung pagiging makulit ay sweet tignan para sa mga babae. Pero in reality, kapag sunod ka nang sunod hanggang sa kadiliman ng gabi, o kaya silip ka nang silip with your binoculars sa bintana ng bahay ni ategurl, hindi na sweet yun. Pwede ka nang mademanda. Ingat ka, at mag-isip na rin. Baka naman kakakulit mo nai-invade mo na ang privacy at sanity niya. Baka instead na matuwa siya sayo, lalo siyang matakot. Iba-iba ang perceptions ng tao, kaya wag kang selfish na sarili mo lang iniisip mo. Isipin mo rin kung natutuwa pa ba siya sayo o ipapahabol ka na niya sa alaga nilang mga aso.
LASTLY, bro, learn to accept NO for an answer. Isa sa sukatan ng pagiging mature at pagiging tunay na lalaki ay ang pagtanggap ng pagtanggi. Marahil ay may nakita siyang hindi tama sayo. Marahil may nakita siyang kailangan pang ayusin. O marahil wala siyang nakita – kasi wala ka namang kotse o perang marami. Pero kawalan ba yun? At least na-spare ka sa materialistic na babae di ba? Haha #PampalubagLoob.
And please, it is a BIG NO na kapag hindi tayo sinagot, ay sisiraan natin si ategurl sa mga friends natin in real world or sa social media. Tsk, tsk, tsk. Very unmanly.
Seriously, man up. Hindi magtatapos ang buhay sa pagkabasted. At the end of friendzone, may liwanag kang makikita. God is just trying to reorient your lovelife para maging mas maganda at mas exciting. Yung mas mabibigyan mo siya ng glory at mas mabibigyan ka ng satisfaction. Not all NO is a curse. It is often a blessing, because it means YES to something even better.
Apir!

“Tita, yung anak niyo po, binasted ako!”
Reviewed by Marts Valenzuela
on
May 29, 2018
Rating: