Isang bukas na liham:
Kumusta na mga bro? Medyo matagal na rin mula nang huli tayong nagkita-kita kaya sumulat na lang ako. Alam kong busy ang lahat, kita naman sa mga pictures natin sa FB at Instagram. Pictures natin with our date, pictures sa gym, pictures ng mga pagkain, pictures ng recent travel. Nakakatuwa na ang layo na nga ng narating natin mula nang huli tayong nagkasama-sama. And I’m sure ready na ang marami sa buhay may pamilya!
Pero bigla akong nabahala. Last time I checked kasi, marami pa tayo sa tropa. Kaso ewan ko ba, bigla na lang tayong napag-iwanan ng iba. Kakaunti na lang tayo mga bro! Yung iba, lumipat na daw sa samahan ng mga OPPA, o yung Outrageous Pakboys – Philippines Auxiliary. Narinig mo na ba yung grupo na yun? Pero hindi lang yan, may isa pang grupo na sinalihan ng iba nating mga katropa. Medyo mahaba ang pangalan e, Hormone-crazed Youth of the Philippines Emerging BEtter And STronger Daily. In short, HYPEBEAST Daily. Hindi ako masyadong pamilyar sa takbo ng organizations nila pero mukhang pareho lang naman sila ng gawain, yung paiyakin ang mga babaeng iniingatan natin.
Kung nag-iisip ka kung bakit ko ba pinag-aaksayahan ng panahon na ibalita sayo ang mga ito, eh kasi bro nag-aalala nga ako. Habang tumatagal kasi parami sila nang parami. Minsan nga may narinig akong nagja-jamming. Sa kantahan nila, nagtatanong sila kung bakit daw makinis, maputi naman daw yung babae pero bakit ganun? Bakit daw maitim ang ut*ng. Nung una natatawa ako sa kantahan, pero grabeeeh, grabeeeh. Bigla akong kinilabutan kasi ang babata pa nung kumakanta! Wala pa nga yata sa high school! San nila natutunan yun? Ok, obvious naman ang sagot.
Pero yun nga bro. Paano na lang ang susunod na henerasyon? Natakot ako na baka isa sa kanila ang maging manliligaw ng mga anak nating babae in the future, yung halos gawing object of desire na lang ang katawan ng babae para sa pleasure lang ng lalaki, dahil lumalabas na sa lyrics ng mga kantang tinatangkilik nila. Natakot ako na baka maging norm na sa mga anak nating lalaki in the future ang sex, drugs, violence and disobedience kasi halos normal na lang at bukambibig na sa mga kabataan ang lahat ng yan ngayon. Di ka ba nag-aalala? Come to think of it: ang mga kabataang yan ngayon ay magiging mga magulang in the future. Ang mga anak nila ang magiging mga kapitbahay, kaklase, kabarkada ng mga magiging anak at apo natin. Baka yung iba nga maging leaders pa ng bansa. At kung ano ang kinagisnan nila ngayon ang ipapasa nila sa kanilang magiging mga anak. Ano na lang ang ipapasa at ituturo nila?
Kaya ako sumulat bro. Gusto kitang mag-alala. Gusto kitang matakot. I want you to look beyond your current realities and see through the future. Gusto mo bang ang susunod mong salinlahi ay nagpapatianod sa impluwensiyang alam mong ikakukunot ng noo mo at nang lahat nang nauna sayo?
Iniimbitahan kitang kumilos, tayong mga nasa Quarter-Life na. Hindi man natin kayang baguhin ang lahat ng kabataan ngayon, pero magsimula tayo sa isa, o dalawa. When we disciple one today, we disciple his next generation. That’s one less problem for society tomorrow. One less juvenile delinquent. One less heartbreaker. One less home-wrecker.
Be an example. Invest in the life of one youth within your circle. Mag-disciple tayo. Hindi naman natin iiwanan ang mga mamahaling kape natin, ang mga gym membership natin, ang mga date natin ay tuloy pa rin naman, even ang mga scheduled travels. Pero siguro, hindi naman malaking bagay ang mag-disciple sa younger generation. Dahil I tell you, they really need to be discipled. They need a godly example to follow.
Ano bro, kakasa ka ba? Kung may acronym sila, siguro fitting naman para sa atin na tawaging #TeamLoyal, kasi we will Lead and Orient the Youth to Abide in the Lord. Oh, di ba?
Wag mong sabihin sa akin na isa ka nang ganap na OPPA? O baka naman HYPEBEAST ka na?
Nandito lang ako, ang iyong kaibigan

Para sa mga tropa kong nasa Quarter-Life na rin
Reviewed by Marts Valenzuela
on
May 31, 2018
Rating: