Nagmahal. Nasaktan. Hindi na Maintindihan.


Nagmahal.
Pareho lang siya ng iba. Yan marahil ang masasabi mo tungkol sa kanya kung titignan mo siya in the light of all the ladies you know. Pare-pareho lang naman silang conscious sa hitsura nila sa harapan ng ibang tao. Pare-pareho lang naman sila na palaging may baong polbo o pressed powder para magmukha silang fresh kahit paano. Pare-pareho lang naman silang nagiging tigre kapag pinakialaman mo ang kilay nila. At one point nag-generalize ka pagdating sa kanya. Naging stereotypical ka at the back of your mind.

Until you felt something different – naging interesado ka sa kanya. Napansin mo na hindi pala siya kagaya ng inaakala mo. Maraming iba sa kanya. Madali lang pala siyang patawanin. Hindi pala siya suplada. Simple lang siya. And every day you get eager to discover more about her. Hanggang sa makita mo na siya differently – she’s one of a kind.

You pursued her. You made her feel so special. You made arrangements to make sure that you will win her heart. Ginamit mo na ang lahat ng romantic ammunitions mo para mapasagot mo siya. At sa huli, nasungkit mo ang matamis niyang OO.

Nasaktan.
Maraming masasayang araw ang lumipas. Sabi nga nila, whatever you give a woman, she will reciprocate it twice as much. Make her smile, she will give you joy. Make her fall in love, she will give you all. Give her a house to live with, she will make it a home. But break her heart, you will end up worse.

Along the way, you learned that someone chose to break her heart. Umiyak siya – yung tipo ng luha na hindi mo kayang makita sa mga mata niya. Yung tipo ng luha na kayang bumasag sa pagkatao mo. Hindi ka makapaniwala na kung paanong iniingat-ingatan mo siya, pinaghirapan mong patunayan ang sarili mo sa kanya, tapos someone dared to mess with her emotions. On the onset pa nga lang, you are already determined that the only tear that will flow from her eyes ay dala ng tears of joy. Pero ang masakit na katotohanan, minsan na siyang nasaktan.

Hindi mo na maintindihan.
Even in an effort to make her happy always, you’ve learned na may mga bagay sa kanya na tila mahirap maunawaan. Bakit parang ang dami niyang insecurities? Bakit parang ang hirap niyang magtiwala? Bakit parang marami siyang tanong? At bakit parang takot pa rin siya hanggang ngayon? Alam mong naka-move on naman na siya, pero parang nasa defensive stance siya. Hindi mo maintindihan – ang lahat ng intentions mo, genuine naman!

Now she is driving you crazy. You step forward, she takes two steps back, it seems. Ang gulo, nasaan na ba tayo? She assures you she is fine, at totoo naman. Walang mali sa kanya. Most of the time, masaya naman kayo, pero minsan lang talaga... minsan talaga... ang gulo-gulo niya.

***

Our personality is a collection of our past and present situations which determines who we are going to be in the future. Be it painful or rewarding past, an unforgettable or regrettable one, our past contributes to who we are now. Taken collectively, kasama ng mga actions natin ngayon, it will determine who we are to become.

Bro, alam ko she seems weird. Minsan kasi sa buhay niya, nasaktan siya. Minsan kasi sa buhay niya, pinangakuan din siya – marahil ay mas engrande pa at mas matayog pa kaysa sa ipininta mo sa mga canvas ng mga pangarap niya. Kaya natatakot na siyang lumipad nang matayog kasi baka bumagsak lang ulit siya. Insecure siya kasi baka maikumpara lang ulit siya sa iba, at iwanan din kapag may nakahigit sa kanya. Marami siyang tanong kasi gusto niyang makasiguro kung totoo ka. Sinusubok niya kung hanggang saan ka – hindi dahil sa hindi ka niya mahal, hindi dahil sa wala siyang tiwala sayo, sinusubok ka lang niya kung kagaya ka rin ba ng iba.

Sa kabila ng lahat ng ito, mananatili naman siyang one-of-a-kind pa rin sa paningin mo. You only have to look at her intently. Her past may have robbed her of faith in love and of precious smiles, pero hindi naman nawala sa kanya ang pagiging special niya. And the best thing about it is, she is still capable na magmahal nang higit sa inaakala mo. And you came into her life at such a time as this to bring back the smile on her face and restore her faith in love that is genuine and true – kahit na hindi mo siya masyadong maintindihan.

Ang tanong ngayon, kaya mo ba? 
Nagmahal. Nasaktan. Hindi na Maintindihan. Nagmahal. Nasaktan. Hindi na Maintindihan. Reviewed by Marts Valenzuela on August 17, 2017 Rating: 5
Powered by Blogger.