Don't Overthink. Wag kang assuming


Guy: Hindi niya ni-resist yung alok ko na upuan sa kanya, tapos ngumiti pa siya sa akin after. Siguro type niya ako.

Girl: Inalok niya sa akin ang upuan niya kahit prente na siyang nakaupo. Tapos nung ngumiti ako sa kanya, nginitian niya rin ako. Crush niya siguro ako kaya ganun.

Don’t overthink. Chances are, assuming ka lang.


Hindi natin maiwasan na magbigay ng kahulugan sa mga bagay na ginagawa ng iba para sa atin. Lalo na kung unusual at hindi naman tayo sanay na tumatanggap ng special treatment mula sa iba. Madaling mag-assume, madaling mag-expect, ngunit sa maraming pagkakataon, it leads to disappointment.

Bakit nga ba tayo umaabot sa maling assumptions?

We are being deceived by our longings

May mga pagkakataon na we give meaning to the actions of others kasi yun ang kagustuhan nating matanggap mula sa kanila. Deep within us lies the desire to be given special treatment mula sa mga taong mahalaga sa atin. Kaya naman anumang uri ng atensyon na ibigay nila sa atin ay nabibigyan natin ng kulay at malisya. Pinapangunahan na tayo ng ating emosyon kasi naiguhit na natin ito noon pa man sa ating isipan.

Our expectations are shaped by the standards of society

Naging immune na tayo sa depiction ng paligid natin sa kung ano nga ba ang totoong kulay ng pag-ibig. We often associate certain actions to have specific meanings, kagaya ng napapanood natin sa mga romcoms at nababasa sa mga romantic novels. Kaya naman nang minsan tayong inihatid sa sakayan ng jeep, o isinukob sa payong noong huling gabing umaambon, akala natin may ‘something’ na agad.

O baka naman ‘assumero’ o ’assumera’ ka lang talaga. 
Pero no judgment, wag kang mag-alala. Haha!

Ang maling mga assumptions pagdating sa relationships ay hindi maganda. It can either paralyze a person dahil hindi niya alam ang susunod na mga gagawin niya, o kaya naman ay magdulot ng premature decisions, dahil akala niya ay may ‘go signal’ na siya from the heavens.

OK sige, assuming na kung assuming, pero paano ko naman ito babaguhin?

Sabi nila, it is easier to learn new things than to unlearn habits. Kung naging habitual assumero/assumera ka na, malaking adjustment ang kailangan mo. Mahirap, pero hindi imposible. Let me share a few tips.

Pursue clarity. 
Without clarity, assumption takes the wheel. Kung ikaw ay babae, hintayin mo na magbigay ng malinaw na intentions ang lalaki sa kanyang mga actions. Kung hindi malinaw ang kanyang motibo at hindi ka sigurado sa kanyang intentions, wag mo agad bibigyan ng kulay ang kanyang mga ginagawa. You have the right to demand for clarity of intentions. Kung ikaw naman ay lalaki, aba e, man up! Wag magpaka-ninja at ihagis ang lahat ng efforts, bahala na kung sino ang sumalo. Purify your motives, then clarify your intentions. Tandaan, it takes a real man to stand up for what is right, and being clear with one’s intention is right and proper.

Get out of the box. 
Hindi lahat ng istorya ay pare-pareho. No one can dictate how things must go between you and others. Ang mga istorya sa romcom movies ay bunga ng imahinasyon ng scriptwriters, producers, direktor and everyone behind the movie. Samantala, ang istorya mo ay bunga ng karunungan ni Diyos, mas romantic, mas God-glorifying at mas maganda nang di hamak. So bakit mo ikakahon ang istorya ng buhay mo sa kwentong gawa ng tao, kung ang istorya mo ay binuo ng Manlilikha ng mundo?

Don’t overthink. 
Ang taong overthinker, madalas stressed. Wag mong bigyan ng kulay ang attention na binibigay sayo ng tao. Just enjoy people’s company, enjoy how they treat you. Sa totoo lang, normal naman talaga dapat na nagpapakita ng ‘acts of being a gentleman’ ang mga lalaki towards ladies, and ladies are naturally sweet and charming, kaya wala namang dapat bigyan ng kulay (unfortunately, hindi na yata kasi normal ang mga ganitong gestures). Pero ano’t-ano pa man, do yourself a favor by not stressing yourself sa pag-iisip kung may ibig sabihin ba ang actions and attention na binibigay ng tao sayo – wait until there’s clarity of intentions. Hanggang wala pa, kalma lang, bes.

Expand your horizons. Meet friends, achieve your goals. 

There’s more to life than just lovelife. Wag kang magpakulong sa mga ‘malabong moves’ ng ninjas around you. Wag mong hayaang maparalyze ka whether she’s into you. As you do your usual routine, and eventually expand your horizons, makikita mo na maraming energies ka rin pala na nasasayang sa pagbibigay ng unnecessary attention sa malabong assumptions.


Don't Overthink. Wag kang assuming Don't Overthink. Wag kang assuming Reviewed by Marts Valenzuela on April 28, 2017 Rating: 5
Powered by Blogger.