I admire people who conquer
distance just to be with their loved ones. Hindi nga naman mapapalitan ng
anumang social media connectivity ang physical connection between people.
Walang facetime o video call ang makahihigit sa physical presence. Hindi naman
sa hindi ako naniniwala sa LDR. As long as couples commit to their
relationship, distance will never be a problem. Pero yun nga, borrowing from a
friend’s mantra: “kung mahal mo, pupuntahan mo”.
Ngunit hindi lang naman geographical
distance ang naglalayo sa mga magkarelasyon. Ang sabi nga nila, “the greatest
distance between two people is misunderstanding”. Ang taong magkagalit nga
naman kasi ay kadalasang nakatalikod sa isa’t isa. And to get the distance
between them is to traverse the whole world. Whereas if they are on the same
page, they don’t even have to say a word – their hearts connects with each
other.
True love bridges distance, be it
physical or emotional distance. Given na “kung mahal mo, pupuntahan mo”
geographically, how else do we bridge distance with our loved ones?
- Interests. There has to be common interests between the two of you. Kung hindi ka man mahilig sa KDrama, at least try to familiarize yourself. Hindi naman siguro mababawasan ang pagkalalaki mo kung aalamin mo kung bakit ba humaling na humaling siya sa mga palabas na kailangan pa niyang magbasa ng subtitles. Sa iba naman na ang hilig ay physical activities like hiking or MMA, subukan mo rin siyang samahan. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili at pilitin na maging interesado sa lahat ng gusto niya pero take a peek into the things that catches her attention. You’ll better understand her if you do.
- Emotions. Dig into her emotions. Mahirap to promise, kasi para silang time bomb na magkamali ka lang ng wire na kakantiin, siguradong sasabog sila. Pero a man takes risk hindi ba? Hindi nga lang tayo pare-pareho ng threshold sa pagtanggap ng unpredictable mood swings nila pero let us all agree na they make us stronger and wiser. Women are very delicate creatures dahil sa emotions nila but they are always worth the risk, worth the effort. Kaya kahit gaano pa ka-sensitibo ang kanilang emosyon, dig in! Kasi nga “kung mahal mo, pupuntahan mo”.
- Expectations. Women are to be treated with respect and love. May mga expectations ang mga Eba sa ating mga Adan. Minsan mataas, minsan sobrang taas! Kasi they look up to us to be their protector, their leader. Yung iba nga kahit lagpas na sa kalendaryo ang edad naniniwala pa rin sa konsepto ng knight-in-shining-armor. Mataas kasi ang tingin nila sa kaya nating gawin. Yun nga lang, sinisira ng mga #breezyboys ang ating imahe. Kaya yun, some even raise their standards to an unreasonable level na. Nevertheless, subukan pa rin nating abutin! Kasi nga, “kung mahal mo, pupuntahan mo”, kahit pa sa napakataas niyang standards at expectations.
Pero ladies, this relationship
concept also applies to you. Men have to take the initiative and take the lead,
but you must be willing to do your part. “Kung mahal mo, pupuntahan mo”. Allow him
to enter your realm of interest, let him understand your emotional surges and
make your expectations realistic. Pupuntahan ka niya, pero huwag ka namang
magtago. Salubungin kung kinakailangan.
“Kung Mahal Mo, Pupuntahan Mo”
Reviewed by Marts Valenzuela
on
May 17, 2017
Rating: