Ano ang mga
non-negotiable mo pagdating sa pagpili ng “special someone”? O meron ka nga ba
nito? One time I asked a few teens and youth na maglista ng kanilang mga
non-negotiable and as far as I can remember, they jot down these in their
lists:
- Gwapo/Maganda
- Mabait
- Matalino
- Magalang
- May respeto sa magulang
- May takot sa Diyos
Then again may mga iilan din
naman na pertaining sa talents at kakayahan:
- Magaling sumayaw/kumanta
- Magaling magpatawa/may sense of humor
- Madiskarte sa buhay
When it comes to setting up your non-negotiable,
it always depends on the person kung ano nga ba ang pinakamahalaga sa kanya at
ano ang hindi masyadong importante. Depende sa kanyang beliefs, preferences at
mga motivations bakit nga ba non-negotiable ang isang character trait o hindi.
Ay wait, ano nga ba ang
non-negotiable at bakit ito mahalaga?
Well, a non-negotiable list in
the context of relationships are character traits na hindi pwedeng mawala sa
isang tao para masabi mong qualified siya to be your “the one”. Once you’ve
set-up your non-negotiable, initially you look at your suitors (kung babae ka) or
the one na pinu-pursue mo (kung lalaki ka) in the light of your non-negotiable
list. When a person fall short in terms of your list, it follows na hindi mo na
dapat ine-entertain ang idea na “baka siya na ang poreber ko”.
Unless hindi ka firm sa
non-negotiable list mo, which is a dangerous thing. So why set the
non-negotiable now?
- This will serve as your “relationship filter”. Hindi naman sa hindi mo na kakausapin o kakaibiganin ang sinumang hindi nag-fit in sa listahan mo, pero at least guided ka na sa susunod na makaramdam ka ng kilig. Base sa listahan mo, masasagot mo ang mga tanong like “ok nga ba siya talaga?” “Magkakasundo nga kaya kami?” “Gusto ko nga ba talaga siya?” At the end of the day, marami kang makikitang magagandang bagay sa kanya dahil nasa kanya na sa una pa lang ang mga traits na gusto mo sa isang tao. Kung wala kang si-net na standards para sa sarili mo, mas vulnerable kang mahulog sa isang tao na hindi naman fit talaga sa personality mo. The only time na maaari kang maging vulnerable sa isang tao ay kapag committed na talaga kayo sa isa't isa.
- This will serve as a challenge sa iba. Hindi naman sa ipagkakalat mo kung ano ang mga hinahanap mo sa isang tao na para kang nagpost sa classified ads, but setting your non-negotiable will raise the bar for those na naghahangad na makilala ka on a deeper level. Kung may gusto sayo ang isang tao, at nalaman niya na hindi siya pasok sa listahan mo, magiging challenge ito sa kanya para iangat ang kanyang sarili. On the other hand, your non-negotiable will keep away those who are not that serious enough to be changed, or least challenged.
- This will reveal a part of yourself. I believe this is true because you wouldn’t entertain the possibility of a romantic relationship with someone na ibang-iba sayo. Do you value your relationship with the Lord? Of course you will choose someone who will not just understand your beliefs but will also serve with you and honor God with you. Mahilig ka ba sa mga travels, leisure trips or extreme sports? I doubt you will write in your list someone who prefers to be alone most of the time. Kung matipid ka, hindi ka naman maglilista ng taong extravagant gumastos. Kung mataas ang pagpapahalaga mo sa pamilya mo, you will choose someone with the same ideals as you have. Kung bara-bara lang ang laman ng list mo, it might reveal na hindi ka ganun ka-specific and concerned sa #RelationshipGoals mo.
So what’s on your list? Baka naman puro pogi/maganda/matangkad/sexy lang ang laman niyan. Whatever you write in your list, make sure that your basis is not too shallow but is grounded on things that really matters. Base your list on what the Bible says, and not on what society says <Tweet This!>. And most importantly, pray over your list. Si Lord na bahalang mag-fine tune ng list mo, at magbigay sayo ng perfect person na sinasabi ng listahan mo.
Why Set your Non-negotiable?
Reviewed by Marts Valenzuela
on
November 25, 2016
Rating: