Palayain mo na yan!

Matagal-tagal mo na rin tinatago yan sa sarili mo. Marahil ikaw lang o ilan lang sa mga malalapit mong kaibigan ang nakakaalam ng pinagdadaanan mo. Mahirap di ba? You wanted to let go of whatever holds you back but then you’re not sure if it’s worth it. Pero hindi nga ba worth it? This might be the best time to let it go!


1. Let go of your true intentions
Bring clarity na sa intentions mo! Wag mo nang patagalin ang gusto mong iparating. Bro, you’re doing her a disservice kung palagi mo lang siyang binibitin sa gusto mong iparating. Remember that a woman can easily master the skill of overthinking. Wag ka namang pa-ninja. Kung may gusto ka sa kanya, let her know and pursue her. The world awaits, ano ba! Hinihintay namin kung ano na ba ang status niyo. Don’t keep us hanging.

And ladies, you have the privilege of prolonging the GTYK period as long as hindi ka pa sure sa kanya. Pero kung sakali naman na wala nang pag-asa, learn to say NO na agad. Wag ka nang magpaasa. You are also doing him a disservice kung you are giving him your full-attention ala girlfriend tapos wala lang pala sayo. Wag ganun. Panay ka demand ng fries kapag may monthly period ka, panay ka palibre ng pamasahe tapos dadalhin mo rin pala sa friendzone. You don’t do that, girlie.

2. Let go of the haunting memories
You were hurt in the past. Sa sobrang sakit ng ginawa sayo, hindi mo gustong bitawan ang taong nakapanakit sayo. You keep him in your mind at paulit-ulit mong nire-rehearse ang mga ginawa sayo para hindi mo makalimutan, just in case. Gusto mo kasing makaganti pag may chance. In the thoughts of torturing him in your mind, hindi mo namamalayan na sarili mo na ang tino-torture mo.

We tend to keep painful memories as a reminder para hindi na tayo ulit masaktan. Reference ba. While it is wise to guard yourself from future pains, unforgiveness is much painful than the hurt that has not yet come. Magulo ba? Iniingatan mo ang sarili mo para hindi ka na ulit masaktan, pero yung hindi mo pagpapatawad ay mas damaging pa kaysa sa naranasan mo in the past.

Let go of the memories. Let go of the past. Unforgiveness is like carrying a dead weight. Alam mo ba na mas mabigat ang patay kaysa buhay? Imagine yourself carrying a dead person all the time na hindi ka pa nagpapatawad. That’s a lot of unnecessary weight you put on your shoulder. Hindi mo man na mababago ang naging takbo ng past mo pero kaya mo pang baguhin ang takbo ng future mo. so forgive, and let go. Palayain mo na.

3. Let go of the out-of-this-world standards
Nag-set ka ng mataas na standards for your future partner. Which is good. Magse-set ka na rin lang ng standards, taas-taasan mo na. Hindi kasi pwede na kung sino na lang ang lumapit sayo, susunggaban mo na lang agad. You set your negotiables and non-negotiables in your relationships.

Pero in setting your non-negotiables, make sure naman na within the bounds pa rin ng reality at kayang abutin ng human reasoning. Baka naman ang standards na hinahanap mo sa isang lalaki bago mo siya sagutin ay dapat member siya ng isang KPOP group, dapat may-ari siya ng tatlong franchise ng isang fastfood chain, o kaya naman kaya ka niyang bigyan ng isang sako ng fries from Potato Corner at your demand. These instances maybe overly exaggerated pero I know you get what I’m saying.

Let go of your unreasonable standards. Kahit puro tulog ka pa buong maghapon, walang handsome prince on a white horse na dadating para halikan ka. At kung meron man, baka ipabaranggay lang yun ng tatay mo for taking advantage of his daughter. Magkakagulo pa. We are not living in a make-believe world. Hindi tayo Disney characters at si Prince and Princess Charming ay bahagi lang ng fantasy world. God honors our dreams and aspirations, but He has placed us in a real world, not a fairytale. As long as we surrender our lovelife to the Lord, He can make our love stories much better than what our minds can think or imagine. Just yield onto His plans for you.

***
We are already freed by the Lord, so what’s holding us back in freeing ourselves? Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Ask Him for courage and guidance, and He will help you, freely. Palayain mo na yan!

Palayain mo na yan! Palayain mo na yan! Reviewed by Marts Valenzuela on June 12, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.