Anong Hugot Mo?

Gone are the days na ang mga kabataan ay nagbibitaw ng mga pick-up lines at mga cheesy jokes. A few years ago, uso ang mga “ways to win her heart” at mga “how to catch his attention”. Ngayon ang uso ay mga “hugot”, na sinusundan pa ng “walang forever” at “maghihiwalay rin kayo”. Bentang-benta sa atin ang mga negosyong may kaunting touch ng ka-bitteran at encouragement sa pagmo-move on. Nagbabago nga talaga ang panahon.


Being a hopeless romantic myself, samahan mo pa ng pagkahilig ko sa mga mabulaklak na salita, tuwang tuwa talaga ako dati sa mga pick-up lines. Those catchy little phrases were my attention catchers whenever I speak before a group of youth. Pero ngayong mga salitang pa-hugot na ang in sa panlasa ng mga kabataan, medyo kailangan ko na ring mag-upgrade ng artillery ko. This is my observation sa mga kabataan ngayon – most of the time you can win their attention with your wit. Kapag may pagka-smarty-smarty ka, malaki ang chance na makukuha mo ang kanilang atensyon necessary as you unload the gospel story.

Sa dami ng humuhugot ngayon, nagiging katatawanan na siya. Ako mismo, I find most of the hugot lines on the internet both as amusing and intellectual. Nakakatuwa ang katabaan ng utak ng mga nasa likod ng mga ito! It just proves how resilient we are as a nation – hindi lang tayo sa mga bagyo at baha matatag, maging sa anumang uri ng unos na dumarating sa ating mga puso. Ano naman kung mabroken-heart? Isang hugot lang yan!

Pero ano nga ba ang nasa likod ng ating mga pag-hugot?
  1. Isa ka nang bitterana

Marahil ay naranasan mo nang masaktan, hindi lang nang isang beses kundi maraming beses na. Sa sobrang exposure mo sa sakit, naging hustler ka na. Alam na alam mo na ang pakiramdam at naging manhid ka na dito. Pero gayunman, kabilang ka pa rin sa mga umaasang darating din ang panahon na mapapalitan ng tamis ang bawat pait at lalabas din ang sweet tooth personality mo.


  1. Lunod ka na sa luha ng iba

Sa araw-araw ka ba namang iyakan ng mga kaibigan mong akala mo kasama sa marathon kung maghabol sa jowa nilang ilang beses na silang iniwan, syempre mapapahugot ka talaga. You learn by experience ika nga, pero sa experience ng iba.Hugot 2
  1. Reflective ka lang talaga

Ikaw yung tipo nang taong hugot nang hugot kahit wala namang lovelife; yung huhugot na lang bigla makakita lang ng maruming basahan, tuyong dahon o kahit gamit na tissue paper. Lahat na lang ng bagay kaya mong bigyan ng hustisya. Hindi ka man lunod sa luha ng iba, lunod naman ang iba sa kakahugot mo out of nowhere.
Hugot 3
  1. Add your personal reason

At walang makakapigil sayo.Hugot 4

There was a year dahil sa That Thing Called Tadhana, naging pambansang destinasyon para mag-move on ang Sagada. Ngayon, salamat sa bagong commercial ng McDonalds, naging mas malapit at mas affordable na ang pagkalimot kay ex – no need na para umakyat nang bundok. Burger McDo lang, mapapakanta ka na ng “tuloy pa rin ang awit ng buhay ko”.

Magandang mai-release natin ang ating mga hinanakit at pait sa buhay. Malaking bagay na ang anumang nagpapasakit sa ating puso ay mailabas natin para tayo ay makarecover. May mga therapy pa nga na ginagawa ang iba na kailangang magbasag ng mga pinggan sa pader para makapagrelease. Unfortunately for some, mas pinipili naman nila ang maglaslas. Umibig – nasaktan – lumuha – nagselfie.

Kaya nga tinawag siya na moving on ay dahil kailangan mong pumunta from one place to another – from a place of hurting and pain to a place of recovery and freedom from bitterness. Ngunit hindi magiging madali ang proseso. Sa iba, ito ay mabagal at sa iba naman ito ay madali lang, no need na sumunod sa Popoy rule na three months. Ang pagmo-move on ay hindi isang karera na kailangan mong mauna sa iba – ito ay isang paglago tulad ng isang binhi. Sa paglipas ng panahon, mas yumayabong ka at nagiging mas matatag.

May mga instances sa Bible na kahit si Jesus ay napapa-hugot din from His surroundings to drive important points para mas maunawaan natin ang mga gusto Niyang sabihin. He’s the best teacher after all.

Nang minsang kumain siyang kasama ng mga tax collectors and “sinners”, mga social outcasts nang panahon nila, pinag-chismisan siya ng mga ruling religious men. Kaya’t nagsimulang humugot si Jesus:
“Suppose one of you has a hundred sheep and loses one of them. Doesn’t he leave the ninety-nine in the open country and go after the lost sheep until he finds it? And when he finds it, he joyfully puts it on his shoulders and goes home. Then he calls his friends and neighbors together and says, ‘Rejoice with me; I have found my lost sheep.’ I tell you that in the same way there will be more rejoicing in heaven over one sinner who repents than over ninety-nine righteous persons who do not need to repent.” - Luke 15:4-7
Sa labis na pag-ibig din Niya sa atin, with deep emotions and compassion may isa pang hugot si Jesus:
"Jerusalem, Jerusalem, you who kill the prophets and stone those sent to you, how often I have longed to gather your children together, as a hen gathers her chicks under her wings, and you were not willing.” - Matthew 23:37
Sobrang mahal tayo ni Jesus and out of His great love for us, He wants us not just to know about it but to experience it as well. Ngunit maraming pagkakataon rin na nasasaktan lang natin Siya. Gustong-gusto niya tayong makausap at makasama ngunit hindi natin Siya pinapansin. Ang mas masakit pa, mas humuhugot pa tayo ng inspirasyon sa mga human relationships natin more than Him.

Maraming gustong sabihin si Jesus sa atin. Buksan mo lang ang Bible mo at mamangha sa napakaraming hugot ni Jesus – hugot nang pagmamahal at hindi ng bitterness, hugot upang tayo ay mag-move on towards Christ-likeness from a life of brokenness.

May mga hugot tayo sa buhay at kadalasan puno ito ng bitterness. I encourage you na in all of these hugot sentiments, mas humugot tayo ng lakas, inspirasyon at tunay na pag-ibig from Jesus Himself.

Anong Hugot Mo? Anong Hugot Mo? Reviewed by Marts Valenzuela on July 06, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.