"Dami Mo'ng Ebas!"

For sure nakita mo na ang mga ganitong eksena sa kalsada:
  • May naglalakad sa na magkarelasyon na sobrang affectionate sa isa’t isa. Mapapadaan sila sa grupo ng mga kalalakihan at once magkapaalaman na ang dalawang magkasintahan, mangangantyaw ang mga kalalakihan, sisigaw nang “hindi ka mahal niyan!” or “maghihiwalay rin kayo!” o kaya, “walang forever!”
  • May babaeng napakaganda ng porma, accentuating her natural beauty dahil sa above-the-knee dress niya. Mapapatingin ang ilang kababaihan sa kanya, titignan ang glamorosang babae in a way bordering between humiliation and appreciation. May ismid pa pagkalagpas ng subject, sabay comment ng “hindi naman kagandahan”.
  • May batang nagta-tantrums sa kalsada, getting the attention ng mga tao sa paligid. Hirap na hirap na ang nanay niya para patahanin ang anak dahil may bitbit pa siyang mas batang anak at isa pang sanggol. Titingnan siya ng mga ibang nanay pa sa paligid, bumubulong nang may panghahamak “napaka-iresponsable naman. Sunod-sunod naman kasi mag-anak!”

Pamilyar ba ang mga eksena? Marahil ikaw mismo na-experience na ito. O kaya naman baka ikaw mismo ang nagbibigay ng mga opinyon na kagaya ng mga nabanggit sa itaas, wag naman sana. May mga tao na nagbibigay ng mga unsolicited opinion sa iba – kahit sila mismo ay wala namang kinalaman o nalalaman man lang sa pinagdadaanan ng kanilang mga subject of criticism. Ang mga taong wala namang pakialam sa welfare ng iba ay all of a sudden nagkakaroon ng “say” sa status ng iba, yun nga lang kadalasan ay para lang mapagkatuwaan, or mapatunayan sa sarili na nakaaangat sila.

Sa totoo lang, ang dami nating ebas. 

Ebas /eh-bus/ png. Salita, sabi, daldal, kwento.

Isang salitang kalye na ang ibig sabihin ay sinasabi. Ang taong maraming ebas ay taong maraming sinasabi.

Halimbawa:
Ang simple simple lang naman ng tinatanong ko, ang dami mong ebas.
Ang dami mong ebas tungkol sa kanya. Lagot ka kapag nalaman niya yan.
Pansin ko lang, masyado nga tayong maraming napapansin at binibigyan ng komento. We are now in the information age kung saan ang ating mga idea, suhestiyon, opinyon maging ang mga kritisismo ay madali nang mag-circulate sa maraming mga tao. Ang anumang sinabi mo ngayon ay maaari nang umabot sa kabilang panig ng daigdig dahil sa mabilis na palitan ng mga FB status, tweets at blog posts. Hindi na ito mapipigilan. Bahagi na ito ng ating pag-unlad at pamumuhay.

Hindi ito masama. Ipinaglaban ng ating mga bayani ang tinatamasa nating karapatan sa malayang pamamahayag. Ipinaglaban ng ating mga ninuno ang pagkakataon upang hindi tayo masikil sa ating mga opinyon at idea. Malayang bansa tayo, at ito ay pinagbayaran ng buhay nang mga nauna sa atin.

Ngunit nasasayang ang ating karapatan sa tuwing ginagamit natin ito para lang makapanlibak ng tao. Tumingin ka sa social media feeds mo ngayon – hindi ba’t punong-puno ito nang mga impormasyong hindi mo malaman kung verified ba o hindi ang pinagmulan. Hindi na mawari kung ano ang tama sa mali. Dahil ang lahat ay maaaring makapagpahayag, ang kapahayagan ay umaabuso na at nagiging mapanlibak, mapanghusga o mapanghamak. Nawawalan na tayo ng respeto sa isa’t isa.

Iniisip natin na bahagi ng kulturang Filipino ang pagiging open book sa tao. Pansinin ang mga kanto at mga tindahan – hindi nawawalan ng umpukan. Masaya tayo sa pakikipagkwentuhan at pakikipagkapwa-tao. Bahagi ito nang kultura. Subalit sa pagiging bukas na libro natin, ninanais din nating bulatlatin ang libro ng buhay ng mga taong wala namang kagustuhan na sila’y basahin ng sinuman.

Now that the community is slowly shifting from being face-to-face and personal to being virtual and impersonal, mas nagiging vulnerable lalo ang buhay ng mga tao sa kamay ng mga malisyosong maraming ebas. Online gossip. Online slander. Online shaming. Isang post, tweet and share at madali nang makakapanira, makakapanghamak, makakapanghusga nang iba – on a massive scale. At ang motibo – makahakot ng likes at social approval. Hanap-kampi kumbaga.

***

I don’t want to end this post sounding more like a rant. I would like to offer something of value pa rin – more so, biblical, spiritual value.

If you are a believer of Jesus, though this sounds like a cliché, but you must be responsible for every comment you express to people – be it in real world or virtual. Maging careful sa bawat sinasabi. Mahirap lalo pa’t exposed na exposed tayo sa mga unhealthy conversations. Personally, I was rebuked by a friend hardcore for a joke I thought is plain funny, but is actually disgraceful and degrading pala. I’ve learned my lesson the hard way. The Apostle Paul instructs us:

Let your conversation be always full of grace, seasoned with salt, so that you may know how to answer everyone. – Colossians 4:6 NIV

Paano nga ba tayo magbigay nang komento sa iba? Nakakasakit, nakakapanlibak? Nagbibigay ba tayo ng buhay sa ating mga salita? O kagaya natin ang mga naunang examples na nabanggit ko? Agent ka ba ng mga unsolicited opinion na mapanakit ng puso?

Whatever we say most often, and the manner how we say it, reflects the condition of our heart. Remember what Jesus has said:

The good person out of the good treasure of his heart produces good, and the evil person out of his evil treasure produces evil, for out of the abundance of the heart his mouth speaks. Luke 6:45 ESV

Gayundin naman, out of the abundance of the heart, the FB status speaks.

Hanggang dito na lang din. Ang dami ko nang ebas at mga unsolicited advice. Shut up na lang ako.
"Dami Mo'ng Ebas!" "Dami Mo'ng Ebas!" Reviewed by Marts Valenzuela on July 03, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.