I grew up admiring David Pomeranz' songs na karamihan ay gamit na gamit sa mga kasalan. Ngunit ngayon, mukhang inaagaw na ni Ed Sheeran ang trono bilang pangunahing source ng mga wedding songs. Ganun talaga, nagbabago ang preferences ng mga tao. Subalit kailanman may hindi magbabago sa tao - ito ay ang kakayahang umibig.
Tuwing umaattend ako ng kasal, ramdam na ramdam ko ang emosyon. Hindi naman sa nape-pressure ako dahil halos lahat ng mga ka-batch ko ay nagsisipag-asawa na, kundi dahil totoong emosyonal ang mga kasalan. Seeing parents cry because their beloved child is about to leave their custody is one thing, but to see the groom shed tears of joy and admiration towards his bride is another sight to behold. Ang sarap panoorin, at madalas nakakaiyak panoorin.
Ngunit bakit nga ba tayo naiiyak sa mga kasalan? Bakit nga ba sobrang nakakaantig ng damdamin tuwing may bride na lalakad sa aisle, may ama na nag-aabot ng anak niyang babae sa groom, kapag nag-exchange of vows na at kapag nagpalitan na ng I Do?
We are relational people.
We are wired just like that - full of love and emotions. Hindi tayo nilikha ng Diyos na mga robot na walang kakayahang ma-inlove sa iba. In fact hindi nga natin kaya ang mabuhay na mag-isa. Pansin mo ba na kahit pa sobra tayong nasasaktan minsan, bumabalik pa rin tayo sa punto na nagmamahal pa rin tayo in one way or another? Sa parehong tao man o sa iba tayo babalik, tayo ay mga nilalang ng pag-ibig. Kaya bakit tayo naiiyak sa weddings? Kasi nakakarelate tayo. At may soft spot sa atin ang mga stories of love dahil wired tayo with love.
Nakakaiyak ang mga kasalan kasi napu-fulfill natin ang isa sa mga designs ni Lord sa atin. Sabi Niya, “it is not good for man to be alone”. Sa panahon natin ngayon na overpopulated na ang mundo at si Apostle Paul ay nagsabi na mainam rin naman na maging single, this “design” idea ay debatable na. But let me just say that God really has the best intentions for us to get married. Sabi Niya pa nga, a man is to leave his parents and be united with his wife. He delights in us to find a wife/husband, focus on
enjoying our marriage and fulfill His design for us.
|
Sa panahon ngayon, pagandahan talaga ng wedding invitation! |
|
Sa sobrang excited ng groom, di ko na nakuhanan nang maayos haha! |
|
Ang ganda ng ngiti oh! |
|
Eto pa ang isa, kunwari hindi hirap sa heels :p |
Weddings are universal, it applies to all culture and traditions.
Kahit saan ka pumunta, weddings carry a lot of cultural and traditional significance. Ito ay palitan ng mga pangako ngunit higit pa riyan, ito ay pag-iisa ng mga properties, names and heritage. Napakahalaga ng seremonya ng kasal dahil ginagawa ito sa harapan ng mga witnesses na ito ay isang pangako at kung may bahagi ng pangako na hindi magampanan ng sinuman sa kanila, mananagot sila sa mga saksi. Ngunit ang salitang “pangako” ay mababaw in its sense. Mas fitting ang word na covenant – a promise to be fulfilled even up to the last breath. Weddings are picture of God's covenant with His people. God made a promise to us, and He intends to fulfill it. He made a public promise to us on the cross, kagaya ng mga exchange of vows ng mga kinakasal - “I die for you, you live for Me”. What a promise! In our spirit perhaps kaya tayo naaantig sa human weddings kasi it relates to Jesus' promise to us.
Weddings are a picture of how we, the church, will be united with our bridegroom, Jesus.
Speaking of promise, Jesus has promised to return to us as a bridegroom to his bride. May kasalan din tayong aabangan, at tayo ang bride! You might be thinking, “Huh? Anong sinasabi mo dyan? Anong kasal, at anong bride?” Well, tayo na mga may relationship kay Jesus, the church, will be presented as a bride to Jesus. He died for us, redeemed us so we can be with Him. Ang daming mga stories and analogies sa Bible about this and we can discuss more on this topic some other time but one thing is for sure, we can relate to weddings kasi it gives us a picture of a divinely appointed wedding. It’s as if our spirits yearn for the future day when we will be united with our Bridegroom and Savior, Jesus.
|
Here comes the bride! |
|
Exchange of vows and wedding rings. |
Emosyonal man, pero masaya ang umattend sa mga kasalan, lalo pa at alam mo na ito ay ang public display of affection, hindi lamang ng bride and groom, but Jesus to His children as well.
Ikaw, umiiyak ka rin ba tuwing may kasalan?
No comments:
Post a Comment