Singleness isn’t a dreadful thing to be anxious about. Kahit na alam natin na ipinalabas ang NBSB movie ni Carla Abellana at Tom Rodriguez, at mukhang marami-rami rin ang makakarelate sa story nila, hindi pa rin matatawaran ang lessons na hatid ng season of singleness. And when I say single, I am referring to those who are not-yet-attached-by-marriage-vows. Ngayon kasi parang ang dami na ng category ng pagiging single!
Singleness is a season unmatched with opportunities to grow and develop one’s self. This is the perfect season to invest in yourself so you will be ready to face the challenges of married life. Pero minsan fertile season din talaga ito for hugot moments lalo na kung masyado ka nang naiinip sa paghihintay mo ng tamang panahon. At dahil sa paghihintay na yan, you learn to develop talents na sobra mong gamit na gamit. Heto ang ilan sa mga talents na naibahagi ng mga kaibigan nating single:
- Ang talent ko lang ay maghintay at umasa
Marami sa mga single ay sanay na maghintay. May 5 years, 10 years, 20 years. Yung iba nga sa sobrang tagal ng paghihintay namuti na ang buhok e, or higit pa dun. Mahirap kayang maghintay! In a generation where people are always looking for quick fixes and instant gratifications, waiting slowly becomes unpopular. Yet to master the art of waiting is to learn patience, perseverance and hope that the best is yet to come.
Hindi naman talaga madali ang maghintay. Nakakainip. Ngunit ang taong handing maghintay ay nakatuon sa katotohanan na ang bunga ng paghihintay ay higit pa sa lahat ng sakripisyo. Worth the wait, ika nga. Kaya naman nakakabilib ang mga taong kahit gaano na katagal naghihintay ay nananatiling positive sa outlook nila sa buhay. To them, since marriage is something to look forward to, they must be prepared for it, be cautious about it and think of it as a lasting gift, not as a temporary goal. Madaling pumasok sa relasyon, mahirap manatili sa relasyon. So why settle with “pwede na” or “ikaw na nga lang”? A lifetime commitment like marriage needs careful consideration and has to be drenched in prayer.
“Do you not know that those who run in a race all run, but only one receives the prize? Run in such a way that you may win. Everyone who competes in the games exercises self-control in all things. They then do it to receive a perishable wreath, but we, an imperishable.” 1 Corinthians 9:24-25
- Ang talent ko lang ay masaktan at mag-move on
Medyo harsh ang talent na ito at parang di magandang idevelop. Pero sa totoo lang, di na rin maiiwasan ang pagdami ng mga singles na nasasaktan for valid (or invalid) reasons. Marahil iniwanan ka ng boyfriend mo at ipinagpalit ka sa isang *bahala ka na, pero choose positive. Haha!* o kaya naman ay hahanapin daw muna ng Ms. Almost Right mo ang sarili niya somewhere, sa Sagada or Mt. Pulag maybe. Pero ang bottom line ay iiwan ka niya for a reason at masasaktan ka.
Ok lang naman ang umiyak. Entitled naman tayo na iexpress ang emotions natin. But it doesn’t end there. Magmo-move on ka pa rin naman. Hindi naman titigil ang mundo dahil lang sa nakapuno ka ng balde ng luha. Break-ups happen for a reason. And singles, I mean those who are single-again, have this rich well of emotional experience to contribute to the world of singleness, and perhaps even to those who are in a relationship. Madaming lessons sa buhay na matututunan sa mga taong nanggaling na sa pinakamasakit na karanasan. Be a source of inspiration to people who are coping with issues like letting go of the past hurts, forgiving people and moving forward. Those who knew what it means to be hurt are those who are effective in bringing the message of hope that beyond these pains are promises of victories and joy – like this very inspiring post about forgiving someone.
"Forget the former things; do not dwell on the past. See, I am doing a new thing! Now it springs up; do you not perceive it? I am making a way in the desert and streams in the wasteland.” Isaiah 43:18-19
- Ang talent ko lang ay magmahal
This is the talent single people have mastered innately (actually ng lahat naman, unless you are a descendant of Grinch. Haha!). Pero sa sobrang mapagmahal ng mga singles, kahit di sila minamahal pabalik, nagmamahal pa rin sila. Nag-aassume, nag-eexpect. Haha! Sa pagmamahal din naman umiikot ang lahat e. Di ka masasaktan kung di ka magmamahal. Di ka aasa kung di ka magmamahal. Pero above all, ang mga singles ay hindi matatawaran pagdating sa kakayahang magmahal.
Madalas kasi kapag pumasok na sa relasyon nagiging exclusive na para sa kanila. Di na mapasok ang mundo ng mga taong akala mo ay itinali na sa isa’t isa. Nakakalimutan ang mga taong nasa paligid nila, nabababalewala na ang kanilang pangangailangan ng atensyon, at palagi na lang nakatuon sa kanilang kasintahan. Ngunit habang single pa, ibuhos natin ang oras sa mga magulang, kapatid, mga kaibigan at kung sino-sino pa. Sumali tayo sa iba’t ibang worthy causes at advocacy. Naaasahan din dapat sa iba’t ibang mga responsibilidad. Ganito dapat lahat ng singles, at dapat nating dalhin kahit pumasok na sa tayo sa isang relasyon. Mapagmahal tayo by nature, at di dapat nawawala ang talent na ito no matter what. And what does it mean to love others? That is you are willing to sacrifice for their welfare, not just ours or our *desired partner*.
“My command is this: Love each other as I have loved you. Greater love has no one than this: to lay down one’s life for one’s friends.” John 15:12-13
Ikaw, lalo na kung single ka, ano ang #HugotTalent mo?
Singles Got Talent
Reviewed by Marts Valenzuela
on
December 17, 2016
Rating: