#FebruaReads
Nang lumabas ang TVC ng isang
sikat na fastfood chain, social media went uproar. Easily naka-identify ang mga
in love, mga bitter at may pinagdadaanan. Nang-aano daw kasi ng feelings. Easily
naka-relate tayo sa mensahe para sa mga nagmamahal na walang hinihintay na
kapalit at sa nagmamahal na handang maghintay kahit gaano katagal. Kung sakaling
hindi mo pa napapanood ang, mga TVCs na sinasabi ko, which I doubt, here are the links:
Dahil panahon na naman ng
pag-ibig, nagkataon din na ang mga nabasa kong libro lately ay tungkol sa mga
pusong nabasag at nasaktan. One thing I’ve noticed: pagdating sa usapang
kabiguan sa pag-ibig, ang daming nakaka-relate. Kaya siguro ganun na lang ang
pagtangkilik ng mga tao sa mga TVCs with much hugot content.
And what to do with pusong
sugatan at basag? Hindi naman maganda na iwan na lang ang ating mga puso sa wasak
state nito. Kaya naman I’d like to share my takeaways from two books I’ve read
lately.
BASAG by Prexy Calvario
The book is hot off the press when I took hold of it. Na-excite ako sa book, for various reasons na hindi ko na sasabihin, but all I can say is “wow”. Nakakatuwa, kasi the storytelling is too personal na dadalhin ka ni Ate Prexy sa mundo ng isang brokenhearted. Kaya kung basag ang puso mo, o minsan nang nabasag, at sa tingin mo ay walang nakakaintindi sayo, mag-usap kayo ni ate. Haha!
BASAG brings you to a world of pain and delusion and
heart-wrenching emotions. Written on a woman’s perspective, this book is a recommended
read para sa mga nasa moving on stage. Para siyang nakikipag-usap sayo. Ladies,
you’ve got an ate, a brave soul, speaking about your basag emotions on your
behalf.
Pero hindi dahil nasa perspective ng isang babae ang pagkakasulat ay puro “girl-talk” lang ang mababasa mo. I advise men to read this one para rin makita natin how break-ups and false promises affect the emotions ng ating mga minamahal na kababaihan. Peek into their world of shattered dreams about forever, of frustrating knights in shining armor and how they long for someone to prove they’re worth the effort. Minsan kasi lagi nating sinasabi na hindi natin sila naiintindihan. Totoo, mahirap silang intindihin, pero at least through this book we’ll know what happens inside their emotional sphere sa panahong basag sila. And hopefully this will give us a clue on how to really “man up” for them.
One more thing about the book is that it is written based on the author’s rich experience. Makikita mo yung journey niya from falling in love, getting broken, entering a “rebound” relationship, getting broken again, and repeating the cycle until she found the ultimate love that she really needs. She’s totally honest with her emotions, and that makes her a credible source of encouragement. Kung kinaya niya with the help of the Lord, why can’t we? Find out how she managed to recover from her BASAG moments, overcoming depression, suicidal thoughts and self-pity sa kanyang istorya.
Consider this tagos-sa-pusong paalala ni ate:
Napatawad mo na ba ang sarili mo? Napatawad mo na ba ang sarili mo sa hindi mo pagpapahalaga sa kanya noong kayo pa? Sa mga pagkukulang mo sa kanya na sa tingin mo ay naging dahilan ng breakup ninyo? Sa mga masasakit na salitang sinabi mo sa kanya na pinagsisihan mo pero huli na? Kung hindi mo pa napapatawad ang sarili mo sa nangyari, mahihirapan kang simulang tanggalin ang sakit, bitterness at galit sa puso mo. Pwedeng tanggap mo na wala na kayo at wala ka naming bitterness sa kanya, pero bitter ka sa sarili mo. Dahil sa paniniwala mo, wala kang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Tinapos mo na ba ang blame game kung saan ikaw ang solo player? End game na, bes. End the game of blaming yourself na naisahan ka, nagpagamit ka, nagpaloko ka, nabiktima ka at nagpaabuso ka. Game over na tayo sa ganyang thoughts, please.
Lovestruck: Sakit Edition by Pastor Ronald Molmisa
Sa lahat ng Lovestruck books, eto ang hindi ko maabutan sa mga bookstores na pinupuntahan ko. Madalas out of stock. Buti na lang available sa Lovestruck Convergence. Ayun, lately lang ako nagkaroon ng kopya. Translating book sales to the psychology of relationships: marami kasing may pusong nasaktan kaya mabenta. Haha!This book I’ve read in one sitting. Hindi ko talaga binitawan. One thing I appreciate with Ptr. Ronald’s writing style is that he hooks you with facts about the topic hanggang sa ma-burden ka. Then he educates you why there exists a scenario, until he proceeds with practical solutions. Kaya maiintindihan mo talaga ang binabasa mo. He connects with you in a way your favorite high school teacher does. Engaging.
With regards sa contents ng book, it is richly supplied with practical sources of emotional “sakit” ng mga kabataan: left in the friendzone, iniwanan ng bf/gf for a third party, being the third party mismo, MU relationships or Mag-isang Umiibig, etc. Mga tipikal na relationship status and dramas ng mga kabataang pinoy. Pastor Ronald dealt with the issues in an educational, convicting yet consoling way. Isa siyang kuya na alam mong may concern talaga sayo.
The book is seasoned with real life stories from his counselees. Mga totoong kwento mula sa totoong tao. May pinaghugutan talaga ang mga kwento. For sure, in one way or another, makaka-relate ka talaga. At kung maka-relate ka, for sure mare-rebuke ka din habang nangingiti, telling yourself “This is so me. Bakit hindi ko to naisip dati?”
One of the many gems in the book says:
Ang tao daw na hindi marunong makuntento, hinahampas sa semento. Kapag paulit-ulit kang niloloko, protektahan mo ang sarili mo. Kapag hindi mo alam ang iyong halaga, malamang ay hahayaan mo ang iba na saktan ka. Mahalin ang sarili at huwag nang papaloko pa. Minsan, ang daming nagde-deny to death at ayaw humarap sa katotohanan na hindi na sila mahal ng partner. They keep on holding on kahit pinupudpod na ang kanilang dignidad.
Hindi ka nilikha ng Diyos para maging emotional punching bag. Ang taong tapat sa partner hindi kailangang bantayan. Hindi siya magtataksil dahil alam niyang ito ay kasuklam-suklam sa mata ng Diyos at tao, at mas mabigat ang kabayaran kapag yayakapin niya ang kamalian.
These books are available na sa mga suking bookstores, particularly OMF and PCBS. Or kung ayaw mo nang sumuong sa traffic, have your copy delivered right at your doorstep! Order online at https://www.passagesbooks.com/.
Move on na, bes kahit pa BASAG ang puso at may SAKIT sa damdamin. Kaya mo yan!
Books to Help You "Move On"
Reviewed by Marts Valenzuela
on
February 13, 2017
Rating: