Nakasakay ako sa jeep minsan nang sumagi sa isipan ko ang mga larong kinahumalingan ko noong bata pa ako: tumbang preso, luksong baka, pitik-bulag... napaisip ako, san kaya galing ang mga pangalan ng larong ito? Sino kaya ang nagpauso? Natawa ako sa imagination ko. Imagine, bulag na nga, pipitikin pa? Parang ang salbahe lang. Tapos ang baka na mas malaki pa sa bata, susubukang talunan? Mahirap yata yun. Pero yung presong itinutumba, mas Rated SPG na may temang karahasan.
Then yung opening lyrics ng “Langit-Lupa”:
Langit, lupa, impyerno... Im-im-impyerno/ saksak-puso, tulo ang dugo.
Tapos yung “Nanay-Tatay”:
Nanay, tatay gusto kong tinapay/ ate, kuya gusto kong kape.
Lahat ng gusto ko ay susundin niyo. Ang magkamali ay pipingutin ko.
In fairness, innocently nung bata pa lang ako naenjoy ang mga larong yan. Malaking bahagi ng pagkatao ko ang mga larong kalye nung bata pa ako. Actually thankful ako at naranasan ko ang maging bata sa panahong hindi pa natake-over ng technology ang mundo.
Pero again, medyo natawa ako at napaisip na rin, hindi pala child-friendly ang mga naging laro natin nung mga bata pa tayo. Base sa mga lyrics at pangalan ng laro, ang bayolente rin pala kung iisipin.
Natakot ako bigla. Habang sinusulat ko ito, naisip ko yung magiging anak ko in the future. While people might say na nasa pagpapalaki yan, nasa pagtuturo yan ng magulang, nasa upbringing, it’s a daunting reality pa rin na isipin na may malaki ring bahagi ang environment sa development ng isipan ng tao.
Lalo na sa panahon ngayon. Kung dati ang mga video games ay mga cartoonish characters na may mga disproportionate na mga ulo at mata, ngayon mas nagiging realistic na ang itsura ng mga characters. Kung dati mga matinis na “eeeey eeeey eeeey” ni Rockman lang sa Marvel vs Capcom lang masaya na tayo, ngayon mas makatotohanang tunog na ng baril at patayan na ang kayang ibigay ng mga video games natin. Mas bloody, mas violent, mas may gore. At mas naeenjoy ng mga bata yan ngayon.
Natakot ako bigla. Habang sinusulat ko ito, naisip ko yung magiging anak ko in the future. While people might say na nasa pagpapalaki yan, nasa pagtuturo yan ng magulang, nasa upbringing, it’s a daunting reality pa rin na isipin na may malaki ring bahagi ang environment sa development ng isipan ng tao. Technology offers a lot of help para maging mas maayos ang buhay natin. Pero it also opens door and windows para maexpose din tayo sa worldliness and unhealthy influences.
Kaya pala may instruction to train up a child in the way he should go. It is not just about good behaviour, I believe. More than just having good manners, training up a child in the ways of the Lord will keep him from obsessing himself with things na maaaring makasama sa kanya. Training up a child is not just about for the child himself – but for the future generation na kabibilangan niya. It is sending a message na someone in the past cares for their well being.
I’m wondering, ano na nga kaya ang kahihinatnan ng future ng mga kabataan natin at ng mga susunod pa? Mawawala at mawawala ang mga larong kinagisnan natin ngunit one thing for sure, the influences that will try to veer them away from the truth will always be around, that is why we need to train them in the way they should go.
Training up a child is not just about for the child himself – but for the future generation na kabibilangan niya. It is sending a message na someone in the past cares for their well being.
I am not yet a parent. Ngunit habang wala pa ang mga future “arrows” ko, mas mainam na paghandaan ko muna kung paanong maging “skilled warrior” ngayon. Until then, magiging mas capable ako to influence those next in line…
And for my next blog, I’m thinking of expanding my thoughts on this arrow-warrior illustration. Pero bakit parang pang-parenting na ang tone ng sinusulat ko? Haha!
No comments:
Post a Comment