Marami na ang nagrereklamo sa tindi ng trapik. Kung susumahin mo nga ang oras na nasasayang mo kapag binaybay mo ang EDSA sa rush hour, para ka na ring bumiyahe papuntang probinsya. This is Metro Manila where terrible traffic is a way of life. Paano ba naman, ang mga kalsada ay hinahayaang sira sa mahabang panahon at ginagawa lang kapag malapit na ang panahon na ng eleksyon. Wala rin yatang regulasyon sa patuloy na pagdami ng sasakyan. Kung meron man, baka mas magandang tawaging suggestion na lang. Ang mga kalsada, imbes na lumuwag dahil sa pagdami ng sasakyan, mas sumisikip pa dahil sa pagsulpot ng mga higanteng malls at commercial centers. Pero ok lang, sabi nga ni Sec. Abaya, di naman daw fatal. Sang-ayon naman dyan ang mga bus drivers na byaheng Fairview/SJDM.
Mabuti na lang pagdating sa transpoortation natin, it's more pun in the Philippines pa rin. (Umm, may mali ba ako sa spelling?) Alam niyo ba kung bakit? Let me make some #hugot.
Kapag kulang ka naman ng inabot kahit isang kusing, kulang na lang ihagis ka palabas ng sasakyan. Kapag bababa ka na, at medyo nabitin sila ng arangkada, ang lakas ng loob na magsermon na "sa tamang babaan lang po" pero nagsasakay naman sa maling sakayan. Nakakainis rin minsan e. Pero tama naman talaga, dapat sa tamang babaan at tamang sakayan lang dapat. Sana lang walang double standard. Eto pa isa, ayaw magsakay ng pasahero sa tabi nila, mainit daw. Pero kapag chicks ang sasakay, kahit kunduktor pa magbayad oks lang. Nasaan ang hustisya? Nasa legs? Yung iba pa, sobrang bastos kung sumagot sa mga pasahero. Pero sa lahat ng mga sinabi ko, ano nga ba talagang ipinaglalaban ko?
Mabuti na lang pagdating sa transpoortation natin, it's more pun in the Philippines pa rin. (Umm, may mali ba ako sa spelling?) Alam niyo ba kung bakit? Let me make some #hugot.
Our drivers teach us to excel in what we are capable to do.
We have the best drivers in the world. I strongly believe this dahil ang mga drivers natin can multi-task in ways na talagang nakakamangha. Lalo na yung mga jeepney drivers natin na walang kasamang kundoktor. Biruin mo, tumatanggap ng bayad at nakakapagsukli, at di mo sila kayang lamangan! Alam nila kung sino ang di pa bayad at mukhang walang pambayad. Kaya nilang kwentahin kung magkano ang pamasahe depende sa kung gaano karaming kanto ang dadaanan mo. Kung may kwento ka sa kanya, kayang kaya ka niyang sabayan. Anong gusto mo, AlDub, Gilas, Pacquaio o politika? At napagsasabay-sabay nila yan habang nagmamaneho at umo-overtake sa kalsada. Wag ka, yung iba nagte-text pa o di kaya naman ay nagrereport kay kumander kung may pang-boundary na siya.Learn to control your temper from the kunduktors.
Kung gaano kalulupit ang ating mga drivers, yung mga assistant naman nila - nakow. Sa jeep na lang, kung magbabayad ka ng buo ayaw ka halos suklian.Kapag bababa ka na, at medyo nabitin sila ng arangkada, ang lakas ng loob na magsermon na "sa tamang babaan lang po" pero nagsasakay naman sa maling sakayan. Nakakainis rin minsan e. Pero tama naman talaga, dapat sa tamang babaan at tamang sakayan lang dapat. Sana lang walang double standard.
Kapag kulang ka naman ng inabot kahit isang kusing, kulang na lang ihagis ka palabas ng sasakyan. Kapag bababa ka na, at medyo nabitin sila ng arangkada, ang lakas ng loob na magsermon na "sa tamang babaan lang po" pero nagsasakay naman sa maling sakayan. Nakakainis rin minsan e. Pero tama naman talaga, dapat sa tamang babaan at tamang sakayan lang dapat. Sana lang walang double standard. Eto pa isa, ayaw magsakay ng pasahero sa tabi nila, mainit daw. Pero kapag chicks ang sasakay, kahit kunduktor pa magbayad oks lang. Nasaan ang hustisya? Nasa legs? Yung iba pa, sobrang bastos kung sumagot sa mga pasahero. Pero sa lahat ng mga sinabi ko, ano nga ba talagang ipinaglalaban ko?
Unleash your inner strength and fight for your right.
Sumakay ako ng bus, birthday ko. Sinalubong ako ng limang lalaki ng sabay sabay. Alam kong nakuha ang cellphone ko kaya di ako umalis sa dadaanan nila. Sa laki kong ito, ang tapang ko di ba? Dala na marahil ng adrenaline kaya nagawa ko silang harangin - silang lima. Miraculously, naibalik ang cellphone ko na kabibili ko lang din. Di ba ang saya? Sumakay ka lang ng bus, jeep or MRT matututo kang maging mapangahas, mapagmatyag, matanglawin. Sa MRT nga, yung dumudukot sa bulsa ko nagkahawakan pa kami ng kamay e. Naniniwala na rin siguro siya sa forever.Learn to socialize, otherwise, just remain quiet. Know your place.
E yung sobrang lakas ng tugtugan sa sasakyan na di mo malaman kung jeep ba yung nasakyan mo o tumatakbong loudspeaker. Ok naman siya, enjoy naman kapag may sounds. Lalo na kapag dinadagundong ka na at inaalisan ka na ng tutuli sa lakas, pwede na nga rin siguro silang magpabayad para dun. Mas enjoy din ang party kapag nandyan ang buong barkada. Yung tipong ang driver, kundoktor, mga atoys nila at mga dabarkads nandun. Punuan ang jeep, ang saya ng kwentuhan, bukod sa inyong tatlong legit na pasahero na nagtataka kung sa terminal ba ang punta niyo o sa swimming.Brace yourself. Learn to pray and never give up life.
We are actually encouraged to appreciate the people around us before it gets too late. Siguro lalo na kapag sumakay ka sa bus or jeep na parang kasali sa shooting ng Fast and the Furious. Parang kumakarera, di nga lang sure kung sa kapwa driver o sa kamatayan. Minsan nga ang sarap silipin kung si Vin Diesel nga ba ang driver o hindi e. Eto talaga yung mga byaheng matututo ka talagang magdasal at mangumpisal. Magalit ka man sa driver, para mo na ring sinabi na mas bilisan pa ang takbo. Ganun daw talaga. Yolo.
Sabi nila if you can make it here, you can make it anywhere. Iba talaga sa atin. But to be fair, kung di mo pa nararanasang mainis sa tindi ng trapik, sa mababait na drivers at mga assistant nila at sa mga sasakyang patuloy sa pagdami, you are missing a fun-filled Filipino experience.
First Published: August 25, 2015
Highway Lessons
Reviewed by Marts Valenzuela
on
May 13, 2020
Rating:
No comments:
Post a Comment