Kung hanggang ngayon ay nag-iisip ka pa rin ng magandang regalo na pwedeng ibigay sa mga mahal mo sa buhay, may ilan akong suggestions na maaaring magustuhan mo, at syempre ng pagbibigyan mo:
Para sa asawa:
Tokens, simple or extravagant are always welcome. Nagpapakita yan ng pagpapahalaga at nagpapatibay ng relationship. Kung wala, ok lang yan. Ang pinakamainam na regalo sa iyong kabiyak ay ang pagiging loyal mo sa kanya. Yung kahit anong mangyari, maganda man o hindi ang sitwasyon, ay mananatili kang tapat sa kanya. In the first place, yan naman ang pangako niyo sa isa’t isa di ba, for better or for worse?Para sa magulang:
Sa maraming beses na hindi nila kinain yung huling slice ng cake o yung ulam na gustong-gusto nila para may makain ka pag-uwi, naku this time tapatan mo naman yun. Mag-uwi ka ng something for them. Yung pasalubong na walang halong sumbat at panghihinayang. Pero alam mo, kulang pa nga ang mga bulaklak, cake o chocolate para sa mga sakit at tampo na dinulot mo sa kanila sa tuwing nagpapasaway ka. Kaya more than the pasalubong, a sincere sorry will do. At magpakabait ka na rin kung pasaway ka man.Para sa kapatid:
Partners kayo, dapat. Though may sinusunod kayong bro code, sis code o ano pa mang code na yan, ang mahalaga nagkakatulungan kayo. Gifts are good lalo na kung bata pa ang kapatid mo, pero alam mo kung ano ang best gift? Ikaw naman ang taya sa family dinner o sa bill ng kuryente. Hahaha!Para sa jowa:
Alam mo na yan, dyan ka magaling eh. Haha! Ilang buwan pa nga lang napaghahandaan mo na yan eh, kaya di mo na need ng tip pagdating sa material gift. Pero best gift para sa girlfriend o boyfriend mo ay yung i-honor mo siya before the Lord, before her/his parents, and before others. Wag ipilit ang wala pa sa panahon. Wag magpadalos-dalos ng desisyon. An honorable relationship is still the best gift to give.Para sa sarili:
Take some rest. It helps! Lalo na kung you’ve been very busy lately. Kung single ka, give yourself the gift of peace by not feeding yourself with self-defeating thoughts na dapat may jowa ka na para maging kumpleto ka. Mali yun! Kahit walang lovelife, you are still valuable and loved. Kung in a relationship ka naman, give yourself the gift of accountability by learning and growing from your relationship. Maraming life lessons kang matututunan kapag nasa relasyon ka kaya i-treasure mo yan at matuto.
Gift Ideas For Your Loved Ones
Reviewed by Marts Valenzuela
on
February 04, 2020
Rating:
No comments:
Post a Comment